Heart, lab pa rin ang mga lokal
Kahit na maraming natatanggap na signature brand items si Heart Evangelista mula sa sapatos, damit, bags, at makeup, gusto pa rin niyang i-promote ang sariling atin.
Kapag rumampa raw siya sa mga fashion events abroad, parati raw siyang may suot or may dalang gawa ng Pinoy.
“I would be nothing without the Philippines. I mean, if you look at my percentage on Instagram, my following is Philippines. Everything else outside is just a little cherry on top. Kaya ito talaga ‘yung kabuuan ng career ko. They support me, I support them no matter what,” sey ni Heart sa launch ng isang Filipino makeup brand na siya ang endorser.
Gusto raw ni Heart na makatulong sa local businesses sa ating bansa. Kaya malaking bagay raw na nabibigyang pansin ang gawa ng Pinoy sa mga dinadaluhan niyang fashion events.
Liezel, takot sa manloloko
Hindi raw bet ni Liezel Lopez ang mga lalaking taksil sa relasyon.
Tila may experience na ang kontrabida ng GMA Prime teleserye na Asawa ng Asawa Ko sa mga cheaters at balang araw raw ay magsisisi ang mga ito sa mga sinaktan nilang mga babae.
“Yung gumagawa ng cheating ‘yan yung hindi naa-appreciate yung blessing na nasa harapan nila. I think, magsisisi rin ‘yan sa huli. Sana one day magising sila na, ‘tama na huwag na kayong manakit ng tao. Kung ayaw nyo na sa karelasyon, iwanan ninyo na lang,” diin pa ng aktres.
Pero marunong daw magpatawad si Liezel at naniniwala siya sa second chances.
Aquaman, tradisyon sa Pasko si Barbra Streisand
Hindi nahihiyang aminin ni Jason Momoa na big fan siya ni Barbra Streisand.
Ayon sa Aquaman star, tuwing Pasko raw ay pinapatugtog niya ang Christmas album ni Barbra.
“Every year, Christmas doesn’t start until Barbra sings it. I’m a huge fan. My mom used to play me Barbra Streisand, her Christmas album, and so I put that on repeat. That’s our go-to, me and my mom.”
Kabilang din daw sa Holiday tradition ng DC actor ay ang maglaro sa snow kasama ang kanyang mga anak.
- Latest