^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Mga kumakalong sa POGOs kalusin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL — Mga kumakalong sa POGOs kalusin

HANGGANG Disyembre 31, 2024 na lamang ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) batay sa kautusan ni President Ferdinand Marcos Jr. Kamakailan, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order No. 74 na nagbabawal sa lahat ng POGO. Pinal na ang pagwalis sa POGOs sa buong bansa at inatasan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na ipatupad ang ka­utusan. Pinakikilos din ang Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensiya para ganap na mawalis ang POGO.

Habang abala ang pamahalaan sa pagpapalayas sa POGO, lumutang ang bagong modus ng mga ope­rator ng online gaming at ginagawang front ang mga resort at restaurant. Ginagawa ito para hindi mahalata ang illegal na gawain. Ayon sa report, nagkanya-kanya nang gawa ng paraan ang mga nagpapatakbo ng POGO para hindi sila ganap na mawala sa bansa. Target ay mga resort at restaurant na karamihan ay sa probinsiya ang operation.

Nag-aaplay umano ng business permit para sa resort o restaurant pero ang totoo, POGO ang kani­lang patatakbuhin. Sabi ng Department of Interior and Local Government (DILG), nararapat na maging alerto at mabusisi ang local government units (LGUs) sa pag-iisyu ng permit. Baka ang nag-aplay ay may masamang balak at ipagpapatuloy ang POGO.

Bukod sa pagbabago ng anyo ng POGO, isang nakapaghahatid ng pangamba ay ang ibinulgar ni Se­nator Risa Hontiveros na may mga government officials na tumutulong sa mga illegal POGOs para makapagpatuloy sa kanilang operasyon sa bansa. Sa halip na tumulong ang mga opisyal ng gobyerno sa pagdurog sa POGO, tinutulungan nila para magtuluy-tuloy ang operasyon. Isang masasabing paghuhudas sa bayan. Talamak ang mga krimen sa bansa dahil sa POGOs at naaatim pa ng mga opisyales ng gobyerno na tulungan ang mga ito.

Ayon kay Hontiveros, may nakarating sa kanyang mga impormasyon na may mga government official na kinakasabwat ng POGO para sa pagpapatuloy ng operasyon. Pinapayuhan umano ng mga opisyales ang POGO na baguhin ang kanilang porma sa Business­ Process Outsourcing (BPO) pero mananatiling POGO pa rin ang operasyon. Bukod dito, marami pa uma­nong ipinapayo ang government officials para magtuluy-tuloy ang POGO.

Hindi dapat manaig ang masamang hangarin ng mga government officials na ang bansa ang magdurusa dahil sa masamang dulot ng POGO. Magkaisa ang mamamayan at isuplong ang mga taong gob­yerno na tumutulong sa POGOs. Nararapat na mahuli ang mga “hudas” at maparusahan.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with