^

Bansa

VP Sara: Hindi ako magre-resign

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
VP Sara: Hindi ako magre-resign
Vice President Sara Duterte holds a press conference at the Office of the Vice President (OVP) in Mandaluyong City on September 25, 2024.
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sinagot ni Vice President Sara Duterte nitong Miyerkules na wala siyang pupuntahan kasunod ng pahayag ng ilang mambabatas na magbitiw na siya kung hindi niya personal na ipagtatanggol ang 2025 budget ng kaniyang tanggapan.

“Hindi ako sasagot sa ‘Young Guns’ dahil kailangan ko sumagot sa 32 million na bumoto sa akin. Hindi sa isa o dalawang tao. Hindi ako aalis dito dahil nilagay ako ng mga tao dito believing I will work for the country,” ani Duterte sa pulong balitaan kahapon ng hapon.

Aniya, hindi naman niya kinakausap ang ‘Young Guns” at hindi niya pinapansin ang mga komento ng mga ito.

Kabilang si Ako Bicol party-list Rep. Raul Angelo Bongalon na nagpahayag na tila hindi na interesado si VP Sara sa kaniyang mga tungkulin, bagamat hindi naman isinapormal.

Ang tinutukoy na ‘Young Guns’ ay mga miyembro ng House na nasa 40-anyos pababa at ilan ay nasa unang termino pa lamang.

Dahil sa hindi pagdalo, muling itinakda ng House of Representatives ang plenary deliberations sa badyet ng Office of the Vice President, sa pag-asang dadalo rin ang Bise Presidente.

Sa kabila nito, sinabi ni VP Sara na sa budget deliberations lang sa Senado siya dadalo.

Muling iginiit si VP Sara ang naging akusasyon laban sa mga mambabatas na may plano talagang impeachment laban sa kaniya noon pa mang isang taon para magiba siya sa pagtakbo sa 2028 sa presidential bid.

“They are trying to make a case for impeachment… dahil wala silang ebidensya, nagfi-fishing sila sa mga tanong sa loob,” aniya.

Sa pagtatanong kung aatend pa siya sa House investigations, sinabi niya na: “We take it one hearing at a time… When we receive an invitation, pinapadala siya sa legal, dini-discuss namin.”

Nilinaw niya na sumasagot pa rin ang OVP sa mga pagtatanong kaugnay sa budget kahit hindi na dapat sagutin ang mga atake na alam niyang hindi na dapat sagutin.

Sa isyu naman na 22% na nawalan na ng trust kay VP sa pinakahuling survey, hindi na niya ito sinagot.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with