^

Police Metro

P1 bilyong suhol na alok ni Alice Guo sinisiyasat na ng DOJ

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinisiyasat na ng Department of Justice (DOJ) ang napaulat na nag-alok umano ng P1-bilyon sa isang negosyanteng Filipino-Chinese ang pina­talsik na si Bamban, Tarlac mayor Alice Guo para matulungan siya sa mga legal na problemang kinasasangkutan sa bansa, ayon kay Secretary Jesus Crispin Remulla.

Kaugnay ito sa pagbubunyag ni dating senador Panfilo Lacson sa panayam ng isang radio na ang kaibigan niya na may kontak sa First Family ay nilapitan ni Guo bago pa siya lumabas ng bansa.

Naniniwala si Remulla na hindi ordinary, kung di isang “extremely talented” si Guo sa pagsasabing :“Her game runs deep. Her game is very sophisticated.”

Aniya, posibleng may bilyun-bilyong piso na ang pinagagalaw para maisalba si Guo sa mga kinasasangkutang mga kaso.

Nitong Biyernes, inaprubahan na ng DOJ prose­cutors ang pagsusulong sa korte ng kasong qualified human trafficking na inihain ng Presidential Anti-Orga­nized Crime Commission (PAOCC) laban kay Guo et al.

vuukle comment

ALICE GUO

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with