^

Bansa

Philippine Navy warships sa West Philippine Sea ‘di kailangan — Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi magpapadala ng Navy Warship sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay sa gitna ng panibagong pangha-harass ng Chinese Navy warship sa kung saan gumamit sila ng laser sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at pambobomba ng tubig sa Bajo de Masinloc at Hasa-Hasa shoal.

Sa isang ambush interview sa Pangulo sa Pulilan Bulacan, sa inagurasyon ng NLEX 3rd viaduct, iginiit niya na patuloy ang gobyerno sa pagtupad ng tungkulin at hindi magiging bahagi ng anumang pagdami o paglala ng sitwasyon sa WPS.

“Again, it will be provocative and will be seen as an escalation, we don’t do that. The Philippines does not escalate tensions. Quite the opposite, the Philippines always tries to bring down the level of tension,” ayon pa kay Marcos.

Sinabi pa ng Pangulo na kung titingnan ang sitwasyon, kahit kailan ay hindi naging bahagi ang Pilipinas sa tumatass na sitwasyon sa pinag-aagawang teritoryo na nasa Exclusive Economic zone (EEZ) ng PIlipinas.

Sa tanong kung magpapadala ng Navy warships sa WPS, sagot ng Pangulo ay wala naman tayo sa giyera kaya hindi ito kailangan at sa halip ay gagawin lang ang pagsu-supply sa mga mangingisda doon at poprotektahan ang ating territorial rights.

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with