^

Bansa

Landmark Archipelagic Sea Lanes Law, aprub sa bicam panel

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng mga miyembro ng bicameral conference panel nitong Miyerkules ang pinag-isang bersyon ng Senado at Kamara na panukalang Archipelagic Sea Lanes (ASL) Law.

Pinuri ni Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino, pinuno ng Senate panel, ang pagkakapasa ng panukala, na aniya’y makatutulong sa pagpapatibay sa maritime domain ng bansa, gayundin sa pagpapalakas ng integridad ng teritoryo at pambansang seguridad nito.

Dagdag ng senador, ipinatutupad ng panukala ang mga probisyon ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga Archipelagic Sea Lanes (ASLs) ng bansa. Pangangasiwaan din nito ang pagdaan sa naturang ASLs ng mga banyagang sasakyang panghimpapawid at pandagat.

Matapos ipasa, isusumite ng pamahalaan ang batas sa International Maritime Organization (IMO), na sya namang magbibigay-alam sa iba pang mga bansa tungkol sa ASL Act, ayon kay Tolentino.

Inianunsyo ni Tolentino, na siya ring chair ng Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, na ang dalawang panukalang batas na kanyang iniakda at inisponsor -- ang Maritime Zones Bill at ang Archipelagic Sea Lanes Bill -- ay inaasahang isusumite kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa susunod na linggo.

ARCHIPELAGIC SEA LANES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with