^

Punto Mo

Paghabol kay ­Quiboloy, naging ­propaganda war na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGING “propaganda war” na itong pagsi-serve ng arrest warrant ng PNP kay Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy sa compound niya sa Davao City, lalo na’t pinasok na ito ng pulitika. Magkakaroon kasi ng Senate hearing sa mismong compound ng KOJC ngayon at gigisahin ng mga pulitiko “in aid to legislation” ang magkabilang kampo. Araguyyyyyy!

Siyempre, may mga senador na kakampi kay Quiboloy at mayroon namang papanig sa PNP. Malalaman ng madlang people kung kanino kakampi ang mga pulitiko. Kay Quiboloy ba o sa gobyerno ni President Bongbong Marcos. ‘Ika nga, tiyak mapasaringan sa hearing ang kampo ni Tatay Digong, na hindi naman itinatago ang pagsuporta kay Quiboloy. Ano pa nga ba?

Kaya kahit binabaha ang maraming lugar sa Pinas, mae-entertain naman ang mga Pinoy nitong Senate hearing. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Napansin ng mga kosa ko na umiinit ang “propaganda war” sa magkabilang kampo dahil nagkalat, bago ang Senate hearing, ang open letter na naka-address kina PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil at PRO11 director Brig. Gen. Nicolas Torre III kung saan inihayag ng mga pulis na naka-deploy sa KOJC ang ilan nilang concerns.

Sinabi sa sulat na masusi nilang sinusunod ang kautusan ng kanilang superiors kahit na sa tingin nila ay “politically motivated” ang mga ito. Araguyyy! “We find ourselves in a situation where our actions, dictated by these orders, are neither aligned with our own will nor consistent with the law,” anila. “ As a result, we have become the subject of ridicule, with many questioning our competence and making light of our professional integrity,” ang dagdag pa nila. Tsk tsk tsk! Ambot sa kanding nga may bangs!

Hindi lang ‘yan, nagrereklamo rin ang mga pulis na ginugutom sila at nauuhaw dahil sa matinding init. Hindi rin umano sapat ang comfort room para magamit nila. At nalulungkot sila na karamihan sa augmentation forces ay natutulog sa lupa, dahil sa pagod sa pagtayo ng buong araw sa lugar na pinupuwestuhan nila. Ano ba ‘yan?

“You even allowed civilians to wear police uniforms and conduct drilling activities inside the KOJC compound, which is a clear violation of Article 179 of the Revised Penal Code,” ayon pa sa sulat. Abayyyy kung meron silang reklamo, magsampa sila ng kaso, di ba mga kosa? Mismooo!

Mahaba pa ang reklamo ng mga pulis kuno at tinapos nila ito ng, “Police tayo ng sambayanang Pilipino, hindi tuta ng kahit kanino.” Dipugaaa!
Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Duda naman si PNP spokesperson at PIO Col. Jean Fajardo na mga pulis ang gumawa ng open letter dahil iginiit niyang ang mga kapulisan ay mga professional. Ayon kay Fajardo, kapag dineploy ang pulis sa isang lugar, kinaugalian na ipasailalim sila sa briefing ng kanilang opisyal, inaayos ang kanilang provisions, at uniporme, pati ang personal nilang gamit.

Walang balak si Marbil na pabayaan ang welfare ng kapulisan at sa katunayan nandun sa KOJC compound si PNP Comptroller Maj. Gen. Niel Alinsa?gan para pangalagaan ang kanilang health, pagkain, tulugan, mga portalets at iba pang pangangailangan. Mismooo! Hehehe! Psywar lang itong open letter?

Sinabi pa ni Fajardo na kaya naman nag-augment ang PNP ng mga pulis sa area ay para makapahinga rin ang mga ito, dahil mukhang mahabaan ang paghahanap kay Quiboloy. Dipugaaa! Magkakaroon na naman ng sarsuela sa loob ng KOJC compound dahil sa Senate hearing ngayon. ‘Wag kukurap mga kosa! Abangan!

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with