^

Metro

Bentahan ng President Rice, tigil muna sa Valenzuela

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Bentahan ng President Rice, tigil muna sa Valenzuela
Valenzuela Map.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Ipinatigil muna ng Department of Agriculture ang bentahan ng President Rice sa New Marulas Public Market  sa Valenzuela matapos na matuklasang imported at ibinebenta umano ito sa halagang P62 kada kilo, may P13 taas sa P49 MSRP sa imported rice.

Ang bagay na ito ay iniimbestigahan na ng DA. Sinuri rin ng mga tauhan ng DA ang mga nakuhang samples ng bigas sa naturang palengke kasama na ang Bachelor, Kokuyo, at Shining Star.

Samantala, napatunayan din sa naturang palengke na naibebenta dito ang karne ng baboy na mataas sa naitakdang MSRP pork na   P380 per kilo sa  liempo, P360 kada kilo sa  pigue at kasim samantalang P300 sa  sabit ulo (pig carcass).

Sa pag-iikot ng DA team sa palengke, nasa P420 ang kada kilo ng liempo, P370 hanggang P380 ang kilo ng kasim at pigui at sabit ulo sa halagang P305. Sa kabila na ang farm gate price ng baboy ay P230 per kilo lamang.

Ipinayo rin ng DA sa mga vendors na lagyan ng presyo ang mga panindang karne para sa kaalaman ng mga mamimili.

Bahagya namang tumaas ang presyo ng kilo ng manok ng may taas na P10 hanggang P20 per kilo, mataas kumpara sa nagdaang buwan.

Ang mga gulay naman na galing Balintawak ay tumaas ang pre­syo ng may 30 percent.

DA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with