^

PM Sports

36-point win ng TNT kontra sa Phoenix

John Bryan Ulanday - Pang-masa
36-point win ng TNT kontra sa Phoenix
Ang running shot ni TNT Tropang Giga guard Rey Nambatac laban kay Ricci Rivero ng Phoenix.
PBA Image

MANILA, Philippines — Swak na sa quarterfi­nals ang TNT Tropang Giga matapos tambakan ang Phoenix, 106-70, sa 2024-2025 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Tumipa ng 15 points, 10 rebounds, 5 assists, 2 steals at 2 blocks si import Rondae Hollis-Jefferson para gabayan ang Tropang Giga sa 7-3 kartada diretso sa quarterfinals at mapa­na­tling buhay ang kontensyon sa Top 2 tampok ang ‘twice-to-beat’ incentive.

Katabla ngayon ng TNT ang tenggang Meralco at Eastern sa tersera puwesto sa likod lang ng NorthPort at Converge na okupado ang top spots.

Matamis na higanti ng TNT ang madaling pa­nalo sa masaklap na 108-117 kabiguan nila kontra sa Terrafirma kamakala­wa upang mapatid ang six-game winning streak nila at panandaliang matanggal sa dikdikang karera.

Halos hindi pinagpa­wisan ang mga bataan ni coach Chot Reyes sa mabi­lisang bawi nila sa likod ng balanseng atake tampok din ang 12 points ni Roger Pogoy pati na ang tig-11 markers nina Kim Au­rin at Calvin Oftana.

May ambag ding tig-8 puntos sina Rey Namba­tac, Henry Galinato at Kelly Williams para sa TNT na huling makakatuos ang San Miguel at Rain or Shine upang matukoy ang kapalaran nito sa quarterfinals.

Tanging ang Top 2 teams lang ang mabibiyaan ng win-once bonuses sa playoffs kontra sa No. 7 at No. 8 teams, habang sa best-of-three series sasalang ang No. 3, 4 5 at 6 teams.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with