Pinoy booters bigo sa Asean Cup
MANILA, Philippines — Bigo ang Philippine men’s national football team na makapasok sa finals ng 2024 Asean Cup.
Ito ay matapos lumasap ang Pinoy booters ng 3-1 kabiguan sa kamay ng host Thailand sa second leg ng semifinals na ginanap sa Rajamangala Stadium sa Bangkok.
Naging tinik sa kampanya ng Pinoy squd si Thailand top striker Suphanat Mueanta na siyang nagtala ng goal sa ika-116 para makuha ng Thais ang panalo.
Nagwagi ang Thailand via 4-3 aggregate.
Nauna nang nanalo ang Pilipinas sa first leg ng semis sa iskor na 2-1 noong Biyernes sa Rizal Memorial Stadium.
Makakasagupa ng Thailand sa finals ang Vietnam na nanaig naman sa Singapore via 5-1 aggregate sa hiwalay na semis series.
Sa kabila ng kabiguan, uuwi ang Pinoy booters na nakataas ang noo dahil ito ang unang semis appearance ng Pilipinas sapul noong 2018.
Sa edisyon din na ito naputol ang losing streak ng Pilipinas kontra sa Thailand sa loob ng mahigit limang dekada.
- Latest