^

Pang Movies

Panalo ni Michelle Dee, nahaluan ng kontrobersya!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Panalo ni Michelle Dee, nahaluan ng kontrobersya!
Kylie at Michelle

Sinasali si Kylie Padilla sa kontrobersya ng bagong Miss Universe Philippines na si Michelle Dee. “I told you you would win @michelledeme,” caption kasi ni Kylie sa ini-upload sa niyang video.

Dahil dun, nagkaroon ng chance ang ibang followers ng actress na mag-comment.

Lutung-luto na raw ang nasabing pageant dahil alam na nga ni Kylie.

“ahhhhhhhh, lutong luto nga talaga. alam na ni kylie haha char! Congrats MD sa wakas”

Pero sinagot ito ni Kylie kahit parang biro lang naman “nakita ko kasi hard work nya and dedication pagod and sacrfice nya.”

Kaya ‘di nagtagal ang nasabing post ni Kylie, parang intentional na binura.

Marami-rami ring negative comment sa nasabing post ni Kylie about Michelle.

Actually hindi lang sa nasabing post ni Kylie maraming negative comments.

Kahit saang platform ata kahapon ng umaga, hindi maganda ang feedback dahil mas deserve raw ni Miss Bohol ang koronahan ng Miss Universe Philip­pines 2023 na after the coronation daw ay nagsisigawan pa ang mga tao sa MOA ng Miss Bohol.

Malakas din daw ang naging laban ng Miss Pampanga.

Ginawan din ng intriga na ang unang nagtanong kay Michelle ay ang businessman turned Partylist Rep. Sam Verzosa.

At ang the height, ba’t ganun daw magsalita si Michelle, parang memorized na ang mga sagot.

Si Sam ang boyfriend or ex na ba ni Rhian Ramos na housemate ni Michelle.

Well, sa true lang daw nabawasan na rin naman ang prestige ng mga beauty pageant dahil sa iba’t ibang kontrobersya kasama na intriga ng lesbianism, pagiging retokada ng ibang kalahok among others.

Pero ang isang winner, si Xian Lim, na ang obserbasyon ng mga nanood ay kalmado lang kahit parang nagkakagulo raw ang production team.

Ito ay matapos ngang ipahayag ang Top 10 fina­lists, umatras ang pageant body at ibinalik ang Top 18 nito.

Ayon sa host na si Xian, gumamit sila ng manual counting dahil sa technical difficulties.

Bawat isa sa naunang inanunsyo na Top 18 ay magpapatuloy sa pagrampa ng kanilang evening gown.

Nag-tweet pa si MJ Lastimosa ng “Lagoooort may deliberation na nagaganap now . Pero Diko sure Anong cheka hahaha #chesmosa #MissUniversePhilippines2023”

Si Alden Richards ay may konting ‘I stand corrected’ sa pagbabasa ng Face of Social Media and Miss Friendship.

At ang funny ng meme na kinoronahan si Michelle ng chef’s hot instead na crown.

Kaya naman dominated nito ang Twitter kahapon.

Trending sina Miss Bohol and Miss Pampanga, Michelle Dee at iba pa.

May nagde-demand naman ng recount.

Kanya-kanyang army ang bawat isa sa kanila.

Anak ng dating beauty queen-turned-actress na si Melanie Marquez (Miss International 1979) si Michelle na magiging panlaban ng Pilipinas sa 2023 Miss Universe Competition, na gaganapin sa El Salvador sa December.

Maaalalang sa Miss World PH unang sumali si Michelle pero hindi siya nanalo.

Marian, pangmalakasan ang sinuot na alahas nung Mother’s Day

Mother’s Day kahapon kaya ang daming kuwento tungkol sa mga dakilang ina.

Sa pinakaunang episode ng Season 2 ng CIA with BA, nagharap ang mag-ina na nasira ang relasyon dahil diumano sa utang na sampung libo.

Sama-samang sinubukan ng magkapatid na Senador Alan Peter at Pia Cayetano at Fast Talk host Boy Abunda na pag-ayusin ang ina — na minsang umutang ng pera para sa pangangailangan ng kanyang anak — at ang anak, na bukod sa tinakasan ang pagbabayad ng utang ay nagawa pang pagsalitaan ng masasakit at saktan nang pisikal ang ina.

Sa nasabing episode, ‘di napigilan ni Pia na ibuhos ang kanyang emosyon bilang isa ring ina. “Seven years kang may utang sa nanay mo! The least you can do is be nice to her,” saad ng senadora.

Para kay Pia, mahalaga na maunawaan ng isang anak na obligasyon ang pagbibigay ng respeto, lalo pa’t natapat ang nasabing episode sa pagdiriwang ng Mother’s Day.

Bago naman nagtapos ang programa, sumalang naman si Pia sa special edition ng Fast Talk question ni Tito Boy, bilang pagpupugay sa mga ina.

Napapanood ang CIA with BA tuwing Linggo ng gabi, 11:30 p.m.

Samantala, maaga namang nag-post si Luis Manzano ng kanyang Mother’s Day appreciation para sa misis na si Jessy Mendiola na first time  nag-celebrate ng Mother’s Day. “Happy Mother’s day to the best momma! Peanut is the luckiest because she gets to call you Mama. We love and appreciate everything you do Momma! Happy first mother’s day

“Pero mas emosyonal si Jessy. “Felt emotional while I was editing this reel. I can’t believe it’s almost been 5 months since I gave birth.

“Motherhood is a very challenging journey, being a first-time mom has it’s own ups and downs but I’m very grateful where I am right now. I remember being so anxious and worried while I was pregnant. I would always doubt myself, if I could handle being a mom. It’s true though, once your little blessing comes out.. you just have to start navigating through everything. There is no right or wrong way. Some say it’ll come naturally, some say it won’t. Either way, it’s okay. You are human and sometimes it’s hard to transition to being how you used to be and being a new mother.

“Remind yourself that this season is a rebirth of your new life. A beginning of a great journey with your little one. I know it’s harder than it seems but you’ll get there. Take your time to embrace this change. This new YOU.

“So give yourself a TIGHT hug, and tell yourself that you are doing GREAT. To all mothers, mother figures, and would-be moms.. Happy mother’s day, Momma! YOU are AMAZING, keep going.”

Ayon naman kay Dennis Trillo, kulang ang salita para sa kanyang pagmamahal sa misis na si Jennylyn Mercado kung saan meron silang one-year-old daughter.

“Kulang ang mga salita at mga larawan para ipahayag ang aking pag ibig at pasasalamat sa’yo. Ikaw ay hindi lang ilaw ng tahanan kundi, haligi ng atin pag ibig at ng ating pamilya. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag unawa,mga sakripisyo’t pag hihirap mo para sa aming lahat I am forever grateful for you my Love. Happy Mother’s Day and advanced Happy Birthday mahal ko.”

Bongga naman si Marian Rivera na nag-flex ng kanyang mga luxury jewelry.

Mukhang milyones ang halaga ng mga nasabing alahas.

“My kids inspire and give me so much joy everyday. From their morning hugs, sweet goodnights and everything in between, I cherish every moment with them. I try my best to impart life wisdom to my kids but being their mom has definitely taught me so much more.”

vuukle comment

MICHELLE DEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with