BINI, humugot ng inspirasyon sa mga basher!

May sagot ang Nation’s Girl Group na BINI sa mga basher na nagsabi sa kanila na hindi sila sisikat, “feeling K-Pop,” at hindi umano mga magaganda.
“Sa mga nagsabi na hindi kami sisikat, thank you so much for inspiring us. Kasi sila talaga ‘yung nag-push sa amin. Sila ‘yung nag-inspire para mag-work harder kami,” panimula ni BINI Stacey.
“At the end of the day, meron pa rin ‘yung affected kami pero hindi kami magpapatalo. Mga dummy account lang ‘yung mga ‘yan na nagtatago. So deadma,” dagdag ni Stacey.
Si BINI Colet naman, sinagot ang mga nagsabing “feeling K-pop” umano sila.
“Siyempre po, nakaka-sad. Kasi meron naman po tayong sariling atin. But at the same time, parang hindi po siya masama. Kasi lahat naman po tayo, I’m sure, hindi lang po ang BINI, nai-influence sa K-pop, and nakai-influence sa isa’t isa, ‘yung ibang grupo rin po. So, I mean, okay lang po siya,” tugon ni Colet.
Si BINI Gwen, nagkomento sa mga nagsasabing hindi sila magaling.
“Sa mga nagsasabi po na hindi kami magaling, we respect your opinion, but if you can make constructive criticisms na lang po, rather than generic statements para mas matulungan po kami mag-improve. Mas okay po ‘yun,” pahayag niya.
Sinagot naman ni BINI Jhoanna ang mga nagsasabing nagli-lip sync lang umano ang BINI.
“Palagi po talagang may ganyang comments po. Kahit magkanda-piyok piyok ka na, ‘Lip-sync pa rin!’ juice ko! Opo, pero, well, hindi naman po namin mapi-please lahat. And, kaming BINI, hindi naman po kami nag-training for two straight years para mag-lip-sync once na ma-debut kami,” saad niya.
Si BINI Aiah, nagkomento sa fans na nanghihimasok umano sa kanilang privacy at personal space.
“’Yung fans po namin, Blooms po very respectful po naman,” sabi ni Aiah.
Nagpaliwanag naman si BINI Mikha sa mga nagsasabing mayabang at snob na umano ang kanilang grupo.
“I’d like to say na, nako po, hindi po kami mayabang at all. And sa mga nagsasabing snob kami, hindi naman. Hindi lang namin mangitian lahat. Hindi namin matingnan lahat sa mata or like, mag-hi sa lahat,” sabi niya.
“And siyempre, if nasa labas kami under like, incognito mode, siyempre, we want to like, be private. Like, you know, siyempre, sometimes we won’t make like, show na, ah, it’s BINI Mikha na or like, ganu’n. Kasi, siyempre, baka it will cause a commotion pa in the mall or something like that,” dagdag niya.
Ilan sa mga patok na kanta ng BINI ang Pantropiko, Karera at Salamin, Salamin.
Wagi ang BINI baling International Breakthrough Artist at International Video of the Year para sa Cherry on Top sa BreakTudo Awards 2024 sa Brazil, and ginawaran din ng Best Asia Act sa 2024 MTV Europe Music Awards.
- Latest