Practical tips
l Para matanggal ang anghang sa bibig, magsubo ng asin, ngunit huwag lulunukin. Pagkaraan ng five minutes, idura ang asin saka magmumog ng tubig.
l Kapag napuwing ng alikabok, pumikit, tapos umubo nang ilang beses. Kusa nang matatanggal ang puwing.
l Agad sabunan at banlawan ng tubig ang kagat ng lamok upang hindi mangati.
l Kung nahihirapang balatan ang kastanyas, sandali itong painitan sa microwave oven.
l Hindi makatulog? Hugasan ang paa ng maligamgam na tubig na may halong kaunting suka.
l Gamot sa singaw ng bibig: Lagyan ito ng dinikdik na tabletas ng Vitamin C or Vitamin B2.
l Kung gusto mong mabilis na lumaki ang halaman, tubig na may tsaa ang ipandilig dito.
l Mahirap maglagay ng eye drop kung kisap ka nang kisap. Ibuka ang bibig upang tumigil ang pagkisap ng mata.
l Maglagay ng chalk sa jewelry box upang manatiling makintab ang alahas.
l Subukan mong mamili sa ukay-ukay store na malayo sa sakayan at hindi masyadong “puntahin” ng tao dahil “nakatago” ang tindahan. Doon ka makakakuha ng mga gamit at damit na magaganda.
- Latest