^

Metro

Ginang timbog sa fake departure stamp sa NAIA 3

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
Ginang timbog sa fake departure stamp sa NAIA 3
Ayon sa BI ang hakbang ay bahagi ng kanilang pinaigting na operasyon kaugnay ng commitment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuldukan ang human trafficking sa bansa.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 ang isang 37-anyos na ginang matapos na madiskubre na peke ang departure stamp sa kaniyang passport .

Ayon sa BI ang hakbang ay bahagi ng kanilang pinaigting na operasyon kaugnay ng commitment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuldukan ang human trafficking sa bansa.

Sinabi ni Mary Jane Hizon, Chief ng Immigration Protection and Border Enforcement Section, ang nasabing ginang ay patungo sa Netherlands ay nagpri­sinta ng kahina-hinalang departure stamp.

Base sa isinagawang forensic analysis ay kinumpirma ng BI na pineke lamang ang nasabing departure stamp ng nasabing babae.

Ikinatwiran naman ng ginang na humingi umano siya ng tulong sa isang ‘fixer’ sa lobby ng NAIA 3 na nangakong tutulungan siya sa pro­seso ng imigrasyon at nagbayad siya rito para mapabilis na makakuha ng departure stamp.

“These fixers will promise quick processing by circumventing laws. If you want to work abroad, do so legally and do not be enticed by these offers,” babala pa ni Viado.  

ARRESTED

NAIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with