^

Police Metro

PNP: Walang banta sa seguridad ngayong kapaskuhan

Joy Cantos - Pang-masa
PNP: Walang banta sa seguridad ngayong kapaskuhan
Newly graduated police officers arrive at the Manila Police District (MPD) headquarters for their deployment in different parts of the city on September 3, 2024.
STAR / Edd Gumban

Heightened alert mananatili

MANILA, Philippines — Magiging matahimik ang pagdiriwang ng kapaskuhan ngayon taon dahil tiniyak ng Philippine National Police kahapon na wala silang namo-mo­nitor na anumang seryosong banta sa seguridad sa yuletide season.

Sa kabila nito, sinabi ni PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Jean Fajardo na nanatiling nasa heightened alert status ang PNP sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon at tatagal ito hanggang sa Traslascion ng Itim na Nazareno sa darating na Enero 9, 2025.

“Hindi tayo nagkukumpiyansa. Palagi tayong nagmo-monitor at nakikipag-coordinate sa ibang security forces at mine-maintain natin ‘yung ating active security stance para ‘di tayo malusutan ng anumang banta sa ating seguridad,” saad ni Fajardo sa isang radio interview.

Ayon kay Fajardo, si­mula pa noong Disyembre 15 ay nasa heightened alert na ang PNP bilang paghahanda sa mahabang panahon ng kapaskuhan at tuloy ito hanggang sa piyesta ng Itim na Nazareno. Nasa 40,000 na pulis ang idineploy sa buong bansa upang magbantay sa mga bus terminals, daungan at pali­paran sa inaasahang exodus ng mga tao ngayong kapaskuhan. Nagtalaga rin ang PNP ng K9 units sa mga pampublikong terminal upang tumulong sa pag-iinspeksiyon ng mga bagahe ng mga pasahero.

Samantala, nakatakda ring magselyo ang PNP ng dulo ng mga baril ng mga pulis upang tiyakin na walang mangyayaring indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon ng 2025.

Pinaalalahanan din ni Fajardo ang publiko na iwasan ang magpaputok ng firecrackers sa mga residential area upang maiwasan ang panganib tulad ng sunog. Aniya, bawal ang paggamit ng mga malalakas at delikadong paputok tulad ng mga boga, superlolo, Binladen, superbawang at iba pa para maiwasan ang disgrasya.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with