^

Bansa

Pinoy na gustong gawing 'mandatory' ang ROTC 35% lang — SWS

James Relativo - Philstar.com
Pinoy na gustong gawing 'mandatory' ang ROTC 35% lang — SWS
President Rodrigo Duterte wants to reinstate mandatory ROTC training for Grade 11 and 12 students.
Faceboo/Army Reserve Command

MANILA, Philippines — Hindi naniniwala ang karamihan ng Pilipino na dapat gawing sapilitan ang military training sa senior high school students, ito habang 42% ang nagsasabing "optional" lang ito dapat.

Ito ang resulta ng bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) ngayong Huwebes patungkol sa mandatory na pagpasok ng Reserve Officers' Training Corps (ROTC) sa curriculum ng Grade 11 at Grade 12:

  • optional kunin ang ROTC o community service: 42%
  • mandatory dapat sa SHS: 35%
  • wala dapat ROTC sa kurikulum: 22%

"Forty-two percent of adult Filipinos say ROTC should be optional where one can choose this as a course or choose community service. Pluralities in all areas share this view except in the Visayas," wika ng SWS sa isang pahayag kanina.

Malayong-malayo ang resultang ito sa unang sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na "walo sa 10 Pilipino" ang pabor sa mandatory ROTC.

Matagal nang itinutulak nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., Bise Presidente Sara Duterte at ilang senador ang mandatory na pagbabalik nito sa eskwela upang maituro raw sa kabataan ang "disiplina" at "pagmamahal sa bayan."

Si Duterte rin ang kalihim ng Department of Education. Ang ilan naman ay itinutulak ito hindi sa SHS ngunit sa kolehiyo.Pinakamarami sa tumututol dito ay sa Balance Luzon sa 47% habang karamihan sa pabor dito ay taga-Visayas sa 48%.

Pare-parehong pabor sa optional ROTC ang mga nasa National Capital Region (46%), Balance Luzon (47%) at Mindanao (42%). Nasa 28% lang ito sa Visayas.Ganito naman ang resulta sa mga pabor sa mandatory ROTC:

  • NCR (29%)
  • Balance Luzon (32%)
  • Visayas (46%)
  • Mindanao (34%)

Pinakamataas ang may ayaw sa ROTC sa paaralan sa sa NCR at Visayas sa parehong 25%.Ikinasa ang pag-aaral noong ika-26 hanggang ika-29 ng Marso sa 1,200 adults gamit ang harapang panayam.

Dati na itong tinututulan ng mga progresibong grupo sa dahilang lumilikha raw ito ng mga sunud-sunurang kabataan na maaaring maabuso sa pamamagitan ng hazing.

Bukod pa rito, inirereklamo ng ilan ang paggamit ng ROTC para sa red-tagging at paniniktik sa mga aktibista sa eskwelahan.

Dati nang ibinasura ang mandatory ROTC mamatay si Mark Welson Chua, isang estudyante ng Unibersidad ng Santoi Tomas, matapos mamatay sa pag-expose ng katiwalian sa sistema nito.

MILITARY TRAINING

ROTC

SCHOOLS

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with