^

PSN Palaro

Kevin Quiambao out ng isang buwan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kevin Quiambao out ng isang buwan
Kevin Quiambao (28) celebrates after La Salle's game 2 win in the UAAP Season 87 men's basketball finals on December 11, 2024.
PBA Images

MANILA, Philippines — Hindi pa man nag-iinit sa Korean Basketball League (KBL), sasalang agad sa isang buwan na pahinga si Kevin Quiambao matapos magtamo ng ankle injury.

Nagtamo ng injury ang two-time UAAP MVP na si Kevin Quiambao sa u­nang laro nito sa laban ng kanyang tropang Goyang Sono Skygunners kontra sa Seoul SK Knights sa KBL sa Go­yang Gymnasium.

Hindi sinasadyang ma­apakan ni Quiambao ang paa ni Oh Sekuen ng Seoul SK Knights may halos walong minuto pang nalalabi sa second quarter.

Hindi na nakabalik sa paglalaro si Quiambao kung saan lumasap ang Goyang ng 57-84 kabiguan.

Nakapuntos lamang si Quiambao ng anim na puntos mula sa dalawang three-pointers.

Panibangong dagok na naman ito para sa Gilas Pilipinas na sasabak sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Bahagi si Quiambao ng Gilas Pilipinas pool na haharap kontra sa Chinese-Taipei sa Pebrero 20 at New Zealand sa Pebrero 23.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with