^

Bansa

Ika-3 impeachment vs VP Sara isinampa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Ika-3 impeachment vs VP Sara isinampa
Vice President Sara Duterte holds a press conference at the Office of the Vice President in Mandaluyong December 11, 2024
STAR/ Michael Varcas

MANILA, Philippines — Humabol bago magtapos ang taong 2024 ang ikatlong impeachment na inihain nitong Huwebes sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito’y dalawang araw bago ang holiday break ng Kongreso kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan kung saan nakatakdang magbalik muli ang sesyon sa Enero.

Ang ikatlong reklamo laban kay VP Sara ay inihain sa tanggapan ni House Secretary Ge­neral Reginald Velasco ng grupo ni Atty. Amando Ligutan, mga kasamahan nito sa religious groups at koalisyon ng mga pari na inakusahan si VP Sara ng culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, plunder and/or malversation, bribery, graft and corruption at iba pa.

Ang 70-pahinang reklamo ay kaugnay ng umano’y hindi tamang paggasta ng P612.5 ­milyong confidential funds sa Office of the Vice President (OVP) at DepEd sa panahon ng kaniyang panunungkulan simula huling bahagi ng 2022 hanggang ikatlong quarter ng 2023.

Ang kaso ay nag-ugat sa imbestigasyong isinagawa ng House Committee on Good Government and Public Accountability.

Inindorso naman ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr., Deputy Minority Leader at AAMBIS-OWA Partylist Rep. Lex  Anthony Cris Colada ang  impeachment.

Ayon kay Ligutan, 12 mga pari, miyembro ng clergy, abogado at mga miyembro ng non-­government organizations ang lumagda sa reklamo.

“This decision is not made lightly but with a deep sense of responsibility to ensure accountability at the highest levels of government,” saad ni Bordado.

“Her inflammatory statements and apparent disregard for transparency and due process constitute grounds for impeachment,” giit pa ni Bordado na walang sinuman ang puwedeng humigit sa batas.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with