Pangulong Marcos umayuda sa ICF World Dragonboat
MANILA, Philippines — May basbas ng Malacañang ang hosting ng Pilipinas ng prestihiyosong ICF Dragon Boat World Championships mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa City, Palawan.
Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang naglabas ng Proclamation No. 699 para ideklara ang ikaapat na linggo ng Oktubre bilang “Moving Forward Paddling Week Philippines.”
“The celebration of Moving Forward Paddling Week Philippines aims to promote the Philippines as premier paddling destination and encourage all communities to adopt as a sport and leisure activity,” ayon sa decree.
Inatasan ni Marcos si Philippine Sports Commission Chairman Richard Bachmann na makipagtulungan sa mga organizers ng World Dragonboat meet upang masigurong magiging matagumpay ito.
Nagpasalamat naman sina Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron at Philippine Canoe Kayak Federation president Leonora “Lenlen” Escollante sa suportang ibinigay ni Marcos.
“Kahit sino pa man ang mga participants natin, kailangan nating pakitunguhan ng maayos, kahit saan mang galing bansa yan, China man yan, Ukraine or Russia. Ito po ay larangan ng palakasan, walang politika, ito ay friendship game lang dito sa Pilipinas,” ani Escollante.
- Latest