Kaso ng Quezon City police vs VP Sara, ibinasura
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang kasong isinampa ng QC police district laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay may kinalaman sa kasong Direct Assault, Disobedience to Authority, at Grave Coercion na naisampa sa QC court ng QCPD laban kay Duterte at sa OVP Security Officer Col. Raymund Lachica at ilang John does at Jane does.
Tumatayong complainant dito si Lt. Col. Van Jason Villamor, Hepe, QCPD Medical and Dental Unit nang pigilan ni VP Sara ang ilang tauhan ng QCPD habang inaasistehan ang ambulansya na maglilipat sa kanyang Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez sa ospital.
Sa resolusyon na ipinalabas ni City Prosecutor Vimar Barcello, sinabi nitong walang sapat na batayan para isulong ang kasong isinampa laban kina Duterte.
No comment naman ang QCPD sa naging desisyon ng korte.
- Latest