^

Bansa

Girian ng Marcos vs Duterte titindi pa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Matapos ‘sipain’ si VP Sara sa NSC

MANILA, Philippines — Nakaamba umano ang mas matindi pang girian at hidwaan sa pulitika sa pagitan ng kampo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte matapos tanggalin ang huli sa mga opisyal na bumubuo sa National Security Council (NSC).

Ito’y kasunod ng ­Executive Order No. 81 ni Pangulong Marcos para balasahin ang NSC.

Bukod kay VP Sara, tinanggal na rin ang ama nitong si da­ting Pangulong Rodrigo Duterte kung saan binigyang katwiran ni Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi na kailangan ang mag-ama sa NSC dahilan hindi na ng mga ito naga­gampanan ang kanilang mga responsibilidad sa ­konseho.

“Ang pagtanggal kina VP Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte sa National Security Council ay nagpapakita lang na simula pa lang ng taon ay simula na naman ang mas matinding bakbakan ng dalawang nangungunang political dynasties sa bansa,” pahayag ni House Assistant Deputy Minority Leader at ACT ­Teachers Partylist Re. France Castro.

Inihayag ni Castro na sigurado umanong mangngingitngit ang mag-aamang Duterte dahil sa pagpapatalsik sa kanila sa NSC.

Kaugnay nito, idinepensa naman ni National Security Adviser Eduardo Año ang desisyon ni PBBM  sa reorganisasyon o pagbabago sa mga opisyal ng bumubuo sa NSC sa naging hakbang ng punong ehekutibo na mahalaga aniya para mapalakas pa ang pagbuo ng mga polisiyang posibleng makaapekto sa pambansang seguridad.

Inihayag ni Año na ang NSC ay isang advisory body at ang komposisyon nito o bumubuo dito ay nakasalig sa kapangyarihan at desisyon ng Pangulo ng bansa.

NATIONAL SECURITY COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with