NU iiwas matalo sa UST
MANILA, Philippines — Sisikapin ng University of Sto. Tomas na duplikahin ang kanilang huling panalo pagsabak nila kontra National University sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na lalaruin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.
Naka-puwesto ang Growling Tigers sa pang-apat tangan ang 5-6 karta, kailangan nilang talunin ang Bulldogs ngayong alas-6:30 ng gabi upang mapalakas ang kapit nila sa magic four.
Para sa Bulldogs, tangan ang No. 7 kung saan kasalo nila ang Ateneo sa team standing, bawal na silang matalo dahil maliligwak na sila.
Solo sa tuktok ang defending champions De la Salle University na may 10-1 karta, pangalawa ang University of the Philippines na hawak ang 9-2 card habang solo rin sa No. 3 ang University of the East, (6-5).
Samantala, magtatapat naman sa unang sultada sa alas-3:30 ng hapon ang La Salle at Far Eastern University.
Mananatiling pangunahing armas ni La Salle head coach Topex Robinson ang kanyang kamador na si reigning MVP Kevin Quiambao upang pamunuan ang opensa ng kanyang mga bataan.
- Latest