Senate probe sa pag-aresto kay Duterte, ikinasa
MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Sen. Imee Marcos ang ginawang pag-aresto ng Interpol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon ay nakakulong na sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague.
Ayon kay Marcos, ang isyu ay nagiging sanhi para mas lalong mahati ang bansa.
“As chairperson of the Senate Committee on Foreign Relations, I am calling for an urgent investigation into the arrest of former President Rodrigo Roa Duterte, an issue that has deeply divided the nation,” ani Marcos.
Dapat aniyang malaman kung nasunod ang due process at kung nabigyan ng proteksiyon ang legal na karapatan ni Duterte lalo na’t may kinalaman ang Interpol at ICC.
Ipapatawag sa imbestigasyon ang mga opisyal at ahensiya ng gobyerno na nagkaroon ng kinalaman sa pag-aresto kabilang ang PNP, Office for Transportation Security-DOTr, DOJ, NSC, CAAP.
Sinabi ni Marcos na ang soberanya at mga legal na proseso ay dapat manatiling pinakamahalaga.
- Latest