^

PSN Opinyon

Kung maka-China si Duterte, e di pati mga senadores niya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

SA pagpapakilala ni President Bongbong Marcos ng 12 kan­­didatong senador niya, pinatutsadahan niya ang siyam na kandidato ni Rody Duterte. Kesyo raw mga tuta sila ng China Communist Party kaya hindi umaangal sa pambu-bully ng CCP sa West Philippine Sea.

Nagbalat-sibuyas si re-electionist senator Bato Dela Rosa kesyo raw bibigyan niya raw ng baril at bala ang sinumang nagpaparatang na tuta siya ng CCP. Magsama raw silang pumatay ng kalaban sa WPS.

Ows, anang mga galit kay Duterte at Dela Rosa. Madali lang naman magpanggap na galit-galitan sa CCP.

Ginawa na ni Duterte ‘yon nu’ng kampanya ng Halalan 2016. Tinanong siya ng mga mangingisda sa Pangasinan at Zambales ku’ng ano ang maitutulong sa kanila kontra pang­ma-machinegun, pagwa-watercannon at pambubundol ng mga barkong pandigma ng CCP.

Niyabang ni Duterte, sasakay daw siya ng jetski patu­ngong Spratlys, itatanim ang bandila ng Pilipinas, at sasa­bihan ang China, “Sa amin ito!”

Wikipedia Photo

Pero hindi naman niya tinuligsa ang China. Pinayagan pa ang China Maritime Militia na magnakaw ng isda sa WPS—walang limitasyon sa panahon, lawak, at tonelada.

Makalipas ang limang taon inusisa siya ng mga mangi­ngisda, “anyare?” Sabi ni Duterte nagbibiro lang daw siya noon, ni hindi siya marunong lumangoy, at lahat ng nani­wala sa kanya ay tanga.

Si kandidatong Raul Lambino ay dating hepe ng Cagayan­ Economic Zone Authority. Ibibigay niya sana ang Fuga Island sa isang kompanyang Chinese. Gagawin itong pasugalan at daungan ng mga barkong China. Naudlot ito dahil umangal ang AFP.

Kung natuloy ang plano, nakontrol sana ng CCP ang makitid na dagat sa pagitan ng South China Sea at Pacific Ocean. Banta sa Pilipinas.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad