?Kris nag-edit ng post dahil sa dalawang m!

Nakakaantig ng puso na marami ang nagdarasal sa paggaling ni Kris Aquino at sa latest update niya sa kanyang kalagayan, marami ang nag-suggest na subukan niya ng holistic approach.
May mga nag-share ng diet para sa kanyang mga sakit para mabawasan ang pain, reducing inflammation, and supporting overall immune function. Maganda ang na-share na diet ng isang nutritionist na puwedeng subukan ni Kris. Na-share rin nito ang foods to avoid at kasama ang processed foods, refined sugars, excessive salt, processed snacks. Pati sobrang pag-inom ng kape bawal din pala.
May nag-suggest din na bumili siya ng Sara Stedy lift para raw hindi na siya mahirapang kumilos from her bed to the bathroom. Ginu-google namin ang Sara Stedy lift na ginagamit nga ng mga pasyente na hindi makatayo.
?At edited na pala ang post niya sa Instagram. May mga inalis siyang part, kasama ‘yung tungkol sa best friend niyang bina-bad mouth ng kanyang ex.
Sino raw ba ang best friend na ito ni Kris na obviously, galit ang kanyang ex.
May idinagdag din siya na nagpaiyak sa mga nakabasa. Sabi nito: “I edited because there are 2 children whom I LOVE; they will remain in my heart. BIMB is my source of strength, while M and M made me smile, laugh, and value life’s simple pleasure.
?“I know because of this post i won’t see the 2 of you grow up-please remember mama kris fulfilled her promises. Alvin brought your new iPads last night... i did bring you to school. We shared cotton candy, strawberry milk, and milk chocolate.”
David suspek sa kumpisal ni Sanya
Bakit si David Licauco agad ang naisip ng fans nang sabihin ni Sanya Lopez na she is dating now sa isang businessman? Wala siyang binigay na clue, pero ang bilis mag-react ng fans at si David kaagad ang ‘suspek’ nakapanood sa interview sa kanya ni Aubrey Carampel.
Dating palang ang sinabi ni Sanya, masaya raw siya at ini-enjoy ang kanyang “dating era” life. Baka magulat na lang tayo na ang susunod na balita ay may relasyon na sila ni David. Nagkataon na businessman si David at super successful businessman kaya ganun.
Anyway, magpu-promote sina Sanya at David ng pelikulang Samahan ng mga Makasalanan, madalas silang magkakasama sa mga promo, siguradong marami pang kuwento sa kanilang dalawa hanggang maipalabas ang said movie sa April 19.
May mga BarDa fans na nga na nagseselos kay Sanya at dahil dun hindi na raw nila panoorin ang movie nina Sanya at David. Dito nag-aaway-away ang BarDa fans at solid fans ni David dapat daw sinusuportahan ang mga pelikula nina Barbie at David kahit iba ang kapareha para mas sumikat pa ang love team nila.
Dingdong, dinala ang team sa GMA films
Nakaka-dalawang meetings na si Dingdong Dantes sa GMA Pictures for a film project at sa unang meeting andun si Nessa Valdellon na nag-pitch kina Dingdong at manager nitong si Perry Lansigan.
Sa second meeting, si Dingdong na dala ang film outfit niyang Agosto Dos Productions ang nag-pitch. Kasama nito ang kaibigan niyang director na si Sid Maderazo.
Excited ang mga fans ni Dingdong at umaasa silang kung matutuloy ang pakikipag-collab niya sa GMA Pictures at GMA Public Affairs, gawing entry sa 2025 MMFF. Ang Rewind at Firefly pa ang last movies ni Dingdong na parehong entry sa 2023 MMFF, right time na raw for him to make another movie.
- Latest