^

PSN Palaro

KABAKA Manila summer sportsfest lumarga na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binuksan ng KABAKA ang kanilang Inter-Barangay basketball tournament noong Linggo sa Ninoy Aquino Stadium sa pakikipagtulungan sa AKSYON Youth para sa promosyon ng grassroots sports prog­rams sa Manila.

Ayon kay KABAKA founder at dating Manila 5th District Rep. Amado S. Bagatsing, ang summer sportsfest, nasa ika-25 taon, ay patunay lamang ng pangako ng KABAKA na tulungan ang mga batang Maynila na ipakita ang kanilang talento at abilidad.

“We are very thankful to see how far KABAKA sports programs have prog­ressed developing the youth of Manila,” sabi ni Bagatsing. “We are very proud to see some of our past players here are now playing in big professional leagues.”

Kabuuang 200 teams sa Maynila ang dumalo sa opening ceremony na dinaluhan nina Chi  Atienza, anak ni dating Mayor Lito Atienza, Rain or Shine guard Adrian Nocum, dating Manila Mayor Isko Moreno at Bagatsing.

Itinampok sa programa ang pag-iisa ng KABAKA ni Bagatsing, ang KABABAIHAN ni Atienza at ang KAAGAPAY ni Moreno. 

Ito ang unang pagkakataon na nagsama-sama ang tatlong bigating organi­sasyon para sa promos­yon ng kanilang sports prog­rams hindi lamang sa basketball kundi pati sa volleyball, taekwondo at boxing at iba pang proyekto na mapapakinabangan ng mga Manileno.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->