^

Punto Mo

Kaso ni Sgt. Mayo, walang cover-up!—Azurin

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

DENY to death si ex-PNP chief Rodolfo “Junaz” Azurin Jr. na sangkot s’ya sa conspiracy para iligwak ang kaso ni M/Sgt. Rodolfo Mayo, na nakumpiskahan ng 990 kilos of shabu na nagkakahalaga ng P6.7 billion.

“First, I would like to categorically deny the allegations and insinuations that I have conspired directly or indirectly to conceal or cover-up the operation conducted by PDEG, or have prior knowledge on the existence of the 990 kilograms of shabu what was confiscated in Manila,” ani Azurin sa statement na ikinalat sa media sa Camp Crame.

Subalit sinabi nina Napolcom chairman Jonvic Remulla at kanyang Vice chair Ricardo Bernabe na sa dokumento ng kaso ni Mayo, nakabalandra ang pangalan ni Azurin na nag-utos sa lahat ng galaw at kilos nina ex-PDEG director Narciso Domingo.

Kaya lang, dahil retirado na si Azurin, hindi s’ya puwedeng kasuhan ng administratibo. Subalit ang papeles ng kaso ay isinumite ng Napolcom kay Justice Secretary Boying Remulla na rerebisa kung mahagip si Azurin sa criminal aspect ng Mayo case. Araguyyyyy! Hehehe!

Pag nagkataon magsasama-sama sina Azurin, Domingo, ex-Lt. Gen. Benjie Santos at 28 pang pulis ng PDEG sa kulungan dahil no bail ang kaso, di ba mga kosa? Mismooo!

Sinabi nina Remulla at Bernabe na walang sacred cows sa kagustuhan nilang alamin ang puno’t dulo sa kaso ni Mayo. Anila, ang bilin ni President Bongbong Marcos ay kasuhan ang dapat kasuhan at ‘wag matakot kung sinu-sino man sila. Tsk tsk tsk!

“Yes, it begins with Master Sergeant Mayo all the way to General Domingo, head of PDEG, General Santos 3rd in command of the PNP. And after exhaustive investigation, it seems that even General Azurin, the chief PNP at that time, was involved,” ani Remulla nang tanungin kung ano ang nakita nila sa mga ebidensiya.

Ayon sa Napolcom officials, bahala na si SOJ para mag-develop ng kaso at litisin ang tropa ni Santos, Domingo at 28 pang pulis sa PDEG. Hindi naman sinabi nina Remulla at Bernabe kung ano ang gagawin nila kina ex-Gen’s. Remus Medina at Randy Peralta et al na ang kasong isinampa ni dating Napolcom vice chair Alberto Bernabe ay dinismis ng DOJ. Sanamagan! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa Kapihan sa Manila Bay forum ni Mam Ichu Villanueva, sinabi ni Bernabe na inupuan ni Bernardo ang kaso ni Mayo ng halos dalawang taon, kaya nagkaroon ng halos 400 cases na backlog ang kanyang opisina.

Si Bernardo ay pinalitan ni Bernabe nitong Nobyembre. Parte naman kay Azurin, na-mention lang ito sa testimonies at affidavits kung saan aprubado nito ang pag-release kay Mayo base sa rekomendasyon ni Domingo.

“From custody po ano, remember Sgt. Mayo po yung nahulihan ng drugs dito and then later on po he was excluded from being part of the arrest,” ani Bernabe. “And he was made the arresting officer in fact to cover up the arrest or his involvement in the earlier buy-bust. And per General Domingo, that release was approved by General Azurin. So yun lang po yung sa amin,” ani Bernabe. Ang sakit sa bangs nito!

Nilinaw naman ni Azurin na itinatag kaagad niya ang SITG 990 matapos matanggap ang report ni Domingo na nagkaroon ng pilferage sa MPD lending firm, na makikita rin sa CCTV footages.

Aniya, sa kanyang termino, inumpisahan niya ang cleansing ng 3rd level officers sa PNP kung saan nag-file ng courtesy resignation ang mga opisyal ng PNP.

Suportado ni Azurin ang hakbangin ni Remulla na sibakin ang mga pulis na sangkot sa droga. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs! Abangan!

RODOLFO AZURIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with