Amang nagbenta ng anak sa online arestado ng NBI
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force sa isinagawang entrapment operation ang isang ama na nagbebenta ng kanyang sariling anak sa online.
Kinilala ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na si Kenneth Crisologo na nagbebenta sa kanyang 11 buwan na anak sa online sa halagang P55,000.
Dahil sa nakarating na impormasyon sa NBI, nagawang makipag-ugnayan ng mga operatiba sa suspek at nagkasundo ang magkabilang panig na magkita sa Barangay Pag Asa Quezon City para doon magkabayaran at ibibigay ang bata.
Nang dalhin ang sariling anak sa pinag-usapang lugar, agad namang dinakma ng mga operatiba ng NBI ang naturang suspek.
Ang bata ay naiturn over ng NBI sa Social Services Development Department (SSDD) ng Quezon City para sa kaukulang disposisyon.
Ang suspek ay kinasuhan na ng paglabag sa kasong Child Trafficking.
- Latest