Coddlers ni Quiboloy kakasuhan, PNP ops sa KOJC compound tuloy
MANILA, Philippines — Nagbanta ang Davao Police na kanilang kakasuhan ang mga pinaghihinalaang “coddlers” ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.
Ayon ay Davao Regional Police Director (Police Regional Office 11) shief P/Brig. Gen. Nicolas Torre III, tuloy ang kanilang operasyon upang hanapin sa KOJC compound si Quiboloy na pinaniniwalaang nagtatago lamang sa lugar.
Ang hakbang ay matapos naman ang 8-oras na pagdinig ng Senado hinggil sa umano’y mga pag-abuso ng PNP sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Quiboloy at mga kapwa nito akusado sa child abuse at human trafficking.
Sinabi ni Torre na babaguhin nila ang istratehiya sa paghahanap kay Quiboloy at umaasang mahuhulog din ito sa kamay ng batas.
“Actually, I’m energized. ‘Yang mga lahat ng pinalalampas namin na obstruction of justice, aakyusnan na namin,” anang opisyal kaugnay ng impormasyon na mga maiimpluwensyang personalidad ang protektor at coddlers ni Quiboloy.
Inamin ni Torre na siya ang nag-utos na isuperbisa ang paghuhukay sa KOJC na nagsimula noong Agosto 29 matapos naman silang maka-detect ng heartbeat at iba pang senyales ng buhay sa underground tunnel sa basement ng Jose Maria College (JMC), isa sa mga istraktura sa loob ng KOJC compound sa Buhangin District, Davao City. Sa kabila nito, bigo silang mahanap si Quiboloy.
Kahapon, muling nanindigan si Interior Secretary Benjamin Abalos na nananatiling nasa compound ng KOJC sa Davao City si Quiboloy.
Sa news forum sa Quezon City, sinabi ni Abalos na may intelligence report silang natanggap na naroon pa rin sa naturang compound si Quiboloy.
- Latest