^

Bansa

Pagsusuot ng face mask, gawing boluntaryo - IATF  

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagsusuot ng face mask, gawing boluntaryo - IATF   
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang rekomendasyon ng IATF ay gawin ng optional ang pagsusuot ng face mask sa mga hindi mataong outdoor areas at may magandang bentilasyon. “Doon sa IATF, ang kanilang reko
STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Inirekomenda na ng Inter-Agency Task Force of Emerging Infectious Diseases (IATF) kay ­Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga open space, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang rekomendasyon ng IATF ay gawin ng optional ang pagsusuot ng face mask sa mga hindi mataong outdoor areas at may magandang bentilasyon.

“Doon sa IATF, ang kanilang rekomendasyon ay pag-liberalize ng ating mask wearing mandate and make mask wearing outdoors voluntary across the country,” ani Cruz-Angeles.

Nilinaw ni Cruz-Angeles na hindi pa ito polisiya pero gagawin ang pilot testing ng boluntaryong paggamit ng face mask bago matapos ang taon.

Binanggit din ni Cruz-Angeles na ipinunto ng Department of Tourism na tumaas ang turismo sa ilang mga bansa na nagluwag na sa paggamit ng face mask.

“Nagprisinta ang DOT na in certain states na ­nagluwag na, tungkol sa face mask ay tumataas ang tourism nila,” ani Cruz-Angeles.

Seryoso aniya itong ikinokonsidera dahil mahalaga ang turismo sa pagbangon ng ekonomiya.

Pero kailangan pa rin aniya na magkatugma ang Department of Health at ang DOT tungkol sa usapin.

“Gawa nga ng front and center ang ating turismo sa pagbangon ng ekonomiya, this matter is being taken seriously. However, the DOH will still have a major say in it. So, kailangan magkatugma iyong ating DOH at ang ­ating DOT and other agencies bago tayo mag-revise ng ating mask policy,” ani Cruz-Angeles.

IATF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with