BMX gold sa Thailand SEAG target ni Coo

MANILA, Philippines — Target ni cyclist Patrick Coo na masikwat ang gintong medalya sa 2025 Southeast Asian Games na idaraos sa Bangkok, Thailand sa Disyembre.
Sariwa pa si Coo sa matamis na pagkopo ng tansong medalya sa Asian BMX championships na ginanap sa Japan kaya’t isa ito sa mga paboritong magkampeon sa Thailand Games.
“It’s a strong prelude for Patrick to win the gold medal in Thailand which are a little over a month away,” ani Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino na siya ring presidente ng PhilCycling.
Hangad ng PhilCycling na malampasan ang dalawang tansong medalyang nakamit ng Pinoy cyclist sa Cambodia SEA Games noong 2023.
“He’s a strong potential for the gold and improve on the two bronze medal our sport got in Cambodia two years ago,” ani Tolentino.
Matatandaaang nabulsa ni Ronald Oranza ang dalawang tanso sa road event ng 2023 Cambodia SEA Games.
Nakumplento nina Japanese bets Asuma Nakai at Ryo Shimada ang 1-2 punch sa BMX event na ginanap sa Nagoya Keirin Stadium BMX Race Course sa Aichi Prefecture.
Nagkasya naman sa ika-walong puwesto ang isa pang Pinoy cyclist na si Niño Martin Eday.
Hindi lumahok si Thailand ace Komet Sukprasert na gold medalist sa 2019 SEA Games.
Nakakuha si Nakai ng 300 UCI ranking points.
- Latest






















