^

Bansa

Relasyon nina Pangulong Marcos at Imee walang lamat - Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Relasyon nina Pangulong Marcos at Imee walang lamat - Palasyo
In this October 16 photo, former Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. accompanies his sister Ilocos Norte Gov. Imee Marcos in filing her certificate of candidacy for senator in the 2019 midterm elections.
The STAR/Krizjohn Rosales, file

MANILA, Philippines — Walang lamat ang relasyon ni ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na kung titingnan ang mga pahayag ni Senador Imee ay parang mayroong lamat o hidwaan ang relasyon ng magkapatid.

Subalit sa panig aniya ng Pangulo ay hindi masasabing may lamat ang relasyon ng magkapatid dahil hindi naman ito pikon kaya kahit anong banat sa kanya, at kahit na nakikita si Imee sa rally ng Maisug at ang paninira ni dating pangulong Rodrigo Duterte kay Marcos ay walang naririnig sa Pangulo.

Wala rin aniyang naririnig mula sa Pangulo na anumang hinanakit para sa kanyang kapatid.

Sa pagkalas naman ni Sen. Imee sa partidong Alyansa, sinabi ni Castro na ang senador na mismo ang nagsabi na kumalas siya dahil hindi na pareho ang kanilang mga adbokasiya, kaya mas maganda na rin na umalis siya dahil hindi rin magkakaroon ng magandang relasyon sa pagitan nila.

“Wala po tayong nadidinig na salita mula sa Pangulo. Siya lamang po ang nagsasalita ng mga bagay-bagay na katulad ng ganiyan. Siguro iyan po ‘yung kanyang (Imee) pananaw pero sa Pangulo po., wala po tayong madidinig,” saad pa ni Castro.

IMEE MARCOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with