DPWH officials sa Mindanao, asar kay greedy party-list solon!
Panay for solidarity ang isinisigaw nitong party-list congressman sa pang-aagaw ng infrastructure projects sa Mindanao subalit puro kabig nito sa kanyang bulsa.
Sinabi ng mga kosa ko na sobrang greedy si tonggressman….este congressman kaya umiiyak ang mga kontratista sa modus niya.
Paano ba naman abot-langit kung humingi ng SOP si congressman kaya inaalmahan na rin siya ng mga opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Mindanao. Sanamagan!
Totoo kaya na 40 percent ang hinihingi ni party-list solon na SOP sa mga kontratista ng infrastructure projects sa Mindanao, lalo na sa BARMM? Nakupoooo!
Baka masundan ang pag-collapse ng P1.2 bilyon na Cabagan-Sta. Maria bridge sa Isabela pagnagkataon dahil sa sobrang tinigpas na pondo, di ba mga kosa? Dipugaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Dapat hindi lang itong pag-collapse ng Cabagan-Sta. Maria bridge ang iimbestigahan ni Sen. Allan Peter Cayetano sa isasagawa niyang Senate hearing kundi isama na niya ang mga proyekto ng gobyerno sa Mindanao na kinaltasan ng abo’t-langit na SOP.
Hindi lang naman si congressman ang naging sakit ng ulo ng mga kontratista doon kundi maging si alyas “doble-kara.” Araguyyy! Dati-rati, halos 10 porsiyento hanggang 20 porsiyento ng pondo lang ang SOP sa mga government projects subalit nang pumasok sina congressman at “doble-kara” abayyyyy nadoble na ito. Tsk tsk tsk!
Ang 40 percent SOP na ‘ata ang kalakaran maging saang bahagi ng Pinas na kung tutuusin ay ang imahe ni President Bongbong Marcos ang tinatamaan kapag nag-collapse o nabulilyaso ang mga proyekto, di ba mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!
Sinabi ng mga kosa ko na si party-list solon ay dating contractor din kaya alam niya ang kalakaran ng negosyo. Get’s n’yo mga kosa? Dahil sa pagkagahaman at pagkasuwapang nito sa pitsa kapalmuks nitong sinosolo ang mga infrastructure projects kahit wala itong sariling distrito. ‘Ika nga, ay pangkalahatan siya. Purbidang Yawaahhh!
Kaya itong si party-list solon ang bukambibig o paboritong i-Marites ng mga opisyales ng DPWH sa Mindanao. Eh di wow! Ang masama lang, mahilig manira ng mga legit na contractors si congressman para mapunta sa kompanya niya ang “small o big ticket projects.” Araguyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Hindi lang ‘yan, mahilig din mag-namedrop ng opisyal sa Palasyo si congressman para makapang-agaw o mapagbigyan siya ng proyekto. “Napag-usapan na namin ni Boss ‘yan na sa akin na ang project,” ‘yan ang paboritong linya ni congressman sa mga kausap sa DPWH o LGUs. Sanamagan!
Sa ganitong sistema, maraming nabibiktima si kolokoy. Kaya dapat hubaran ni Sen. Cayetano ang raket na ito na binibiktima ang mga contractor sa Mindanao, para hindi na masundan pa ang pag-collapse ng Cabagan-Sta. Maria bridge na sinayang lang ang bilyones ng gobyerno. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Bakit ganito kalakas ang loob ng kolokoy na ito? Sino ang sinasandalan niya? Totoo bang marami i’yang padrino o magaling lang umarte?
Abangan!
- Latest