^

PSN Showbiz

Aktor nakahiram ng P1 M? Jojo, tinapos na ang collab kay Mark

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Aktor nakahiram ng P1 M? Jojo, tinapos na ang collab kay Mark
Ibinunyag ng manager niyang si David Bhowie na diumano’y may nahiram na pera si Mark Herras kay Jojo.

Pasabog kahapon ang rebelasyon ng kampo ng singer na si Jojo Mendrez.

Ibinunyag ng manager niyang si David Bhowie na diumano’y may nahiram na pera si Mark Herras kay Jojo.

Pero hindi galit si Jojo. Aniya naawa pa nga siya kay Mark. Pero nakakaapekto na raw ang mga ginagawa ni Mark particular na ang pang-iiwan nito noong Linggo ng gabi sa kanya kung saan si Mark sana ang partner ng singer as presenter sa ginanap na Star Awards.

Nagpaalam lang daw itong pupunta sa comfort room pero hindi na ito bumalik at nagsabi lang sa manager na may emergency lang sa kanilang bahay.

At doon na raw siya na-offend.

Buti na lang aniya at malapit lang si Rainier Castillo, agad-agad itong dumating sa Dolphy Theater upang samahan ang singer na isa ring negosyante.

Kaya kahapon ay tinuldukan na ni Jojo ang lahat. Wala nang MarJo.

Pero nilinaw niya na walang attachment sa kanila. Walang love angle.

Maraming nag-isip na baka naman merong namagitan sa kanila dahil ganito nga ang naging impression ng netizens.

Pero purely collab daw ‘yun at bawat oras na katrabaho niya umano ito ay merong honorarium si Mark.

Nung umpisa raw ay mabait si Mark pero hindi nagtagal ay nag-iba ito ng ugali lalo na nung nagtre-trending na sina Jojo at Rainier.

Anyway, settled na diumano ang nasabing honorarium ni Mark pero may nahiram diumano itong humigit kumulang sa P1 million.

Katuwiran ni Jojo ay naawa siya rito lalo na kapag sinasabing kailangan niya ng pera.

Wala na raw siyang balak na makipag-collab ulit kay Mark.

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with