^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Naninindak na naman ang China

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Naninindak na naman ang China

HALOS isang buwan na hindi nagpakita ng agresibo ang China Coast Guard vessels sa West Philippine Sea. Hinayaan pa nga ang resupply mission para sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Hindi hinarang o binomba ng tubig. Hindi rin nagsagawa ng mga delikadong maniubra.

Ang huling pagpapakita ng mga CG vessels ay noon pang nakaraang Enero 4 kung saan walang tigil sa pag­yaot ang “monster ship” sa baybayin ng Zambales.  Lumapit pa nang husto at saka nagpalipat-lipat ng lugar. Mula sa Zambales ay yumaot sa Lubang, Occidental Mindoro.

Halos dalawang linggong nagpatrulya ang monster ship na may body number 5901. Ilang beses nang ni-radio challenge ng Philippine Coast Guard (PCG) ang monster ship subalit ang sagot nito ay nasa kanila raw silang teritoryo at ang Pilipinas ang lumalabag at pumapasok sa kanilang nasasakupan. Sa tingin ng mga awtoridad, nag-oobserba at pinag-aaralan ng monster ship ang galaw sa West Philippine Sea.

Halos isang buwan na walang ginawang paninindak ang CCG sa mga barko ng Philippine Coast Guard at BFAR. Wala ring ginawang pagtataboy sa mga mangi­ngisdang Pinoy. Sa aming paniwala ay natahimik pan­samantala.

Pero noong nakaraang Sabado, nagsibalikan na naman at nagkumpulan ang CCG vessels sa Bajo de Masinloc. Limang CCG vessels at apat na militia vessels ang namataan sa lugar.

Sabi ni Commodore Jay Tarriela, PCG Spokesperson­ for West Philippine Sea namataan ang CCG vessels sa layong 2.7 nautical miles at 8.9 nautical miles sa Bajo de Masinloc. Ang lugar na kinaroroonan ng CCG vessels ay ang tradisyunal na fishing grounds ng mga mangingisdang Pinoy. Sakop iyon ng exclusive economic zone ng Pilipinas. Dahil nagkumpulan sa lugar ang CCG vessels, hindi makapangisda ang mga Pinoy.

Ang masama pang ginawa ng mga tauhan ng CCG, naglagay ng mga floating barriers sa lugar na para bang inaangkin na ang lugar. Hanggang sa kasaluku­yan, nagkumpulan pa rin umano ang CCG vessels. Nagsagawa ng air patrol ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at nakita ang presensiya ng CCG vessels.

Naninindak na naman ang China. Makaraan ang halos isang buwan na walang pagkilos sa WPS, eto na naman sila. Posibleng gumamit na naman ng dahas sa PCG ang mga barko ng China. Nararapat paghandaan ang ginagawa nila. Baka mas malubha pa sa pambo­bomba ng tubig ang gawin. Ipagpatuloy ng Pilipinas ang pakikipag-joint patrol sa ibang bansa upang mapigilan ang ginagawa ng China na paghahari-harian sa teritoryo ng Pilipinas.

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->