Alex Eala pinataob world no. 5 netter

MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysayan si Alex Eala matapos patalsikin si reigning Australian Open champion Madison Keys sa Miami Open kahapon sa Miami, Florida.
Ipina-ko ng Pinay netter ang impresibong 6-4-6-2 panalo laban kay Keys upang masiguro ang kanyang tiket sa Round-of-16 ng naturang torneo.
Si Eala ang kauna-unahang Pinay netter na tumalo sa isang Top 10 player sapul nang simulan ang ranking system may limang dekada na ang nakalilipas.
“It’s a big thing to take in, and I feel it’s important for me to take it in step by step. I’m so super proud of what I was able to accomplish, but it definitely fuels me more,” ani Eala.
Hindi maitago ni Eala ang sayang nadarama nito sa panibagong tagumpay na nakamit nito.
“I know and it’s in my mind that I have a next match, but I need to stop, and I need to recognize that what I did today was really amazing. I think my reaction on court, you know, sums up pretty much how I feel about it,” ani Eala.
Ngunit hindi pa tapos ang laban.
Muling daraan sa matinding pagsubok si Eala dahil makakasagupa nito sa susunod na round si 10th seed Paula Badosa sa alas-7 ng umaga ngayong araw.
Nauna nang pinataob ni Eala si dating Grand Slam champion Jelena Ostapenko sa bendisyon ng 7-6, 7-5 panalo sa first round noong Sabado.
Nagpasalamat si Eala sa kanyang pamilya na patuloy na sumusuporta sa kanyang bawat laban gayundin sa Rafael Nadal academy sa Mallorca, Spain na siyang humubog sa kanyang tennis career.
“The academy has been my home for the past seven years. Of course, my family should take credit for the foundation that they laid out before they sent me there,” dagdag ni Eala.
- Latest