Romero, GlobalPort hahataw sa US Open

MANILA, Philippines — Kasado na ang lahat para sa partisipasyon ng GlobalPort sa prestihiyosong US Open Polo Championship simula sa Miyerkules (Huwebes sa Maynila) sa Wellington, Florida.
Ang GlobalPort ang kauna-unahang Pinoy team na sasabak sa US Open Polo kung saan mapapalaban ito sa matitikas na tropa sa mundo.
Nasa Bracket I ang GlobalPort.
Makakalaban ng mga nasa Bracket I ang mga nasa Bracket II na pamumunuan ng dating US Open champion teams na La Dolfina Tamera at Park Place.
Unang makakalaban ng GlobalPort ang La Dolfina sa opening day ng torneong may nakalaang $100,000 premyo.
“Luck of the draw again. We are up against a bracket of death. Against two former champion teams of the US Open. First game against La Dolfina Tamera headed by considered to be the GOAT of Polo or the Michael Jordan of Polo, Adolfo Cambiaso,” ani outgoing 1Pacman Partylist representative Mikee Romero.
Matapos ang La Dolfina Tamera, sunod na makakasagupa ng GlobalPort ang BTA sa Marso 30 kasunod ang dating US Open titlist Park Place sa Abril 5.
“Our game against BTA would be the highlight of the day, but it will just be the start of a tough climb as we battle Park Place next which is a former champion,” ani Romero.
Anuman ang maging resulta ng laban, nakatarak na ang pangalan ng GlobalPort sa kasaysayan ng PH sports history sa pagsabak nito sa US Open Polo Championships.
Malaking tulong ito upang mas mapalawak pa ang polo sa bansa maging sa Asian region.
Pamumunuan ang La Dolfina Tamera ni world No. 1 player Adolfo Cambiaso Jr. kasama sina Alejandro Poma, Diego Cavanag at Matt Copola.
Maliban kay Romero, hahataw naman para sa GlobalPort sina world No. 4 Bartolome Castagnola, Beltran Laulhe, Lucas Diaz Alberdi at substitutes Nico Escobar at Santos Merlos.
Galing ang GlobalPort sa matagumpay na kampeonato sa Sterling Cup kung saan tinalo nito ang defending champion Maltese Falcons sa iskor na 12-11 via overtime sa Finals.
- Latest