^

Metro

5 Chinese nationals na POGO worker arestado sa BI

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
5 Chinese nationals na POGO worker arestado sa BI
Sa isinagawang joint operations ng BI Intelligence Division at ng Fugitive Search Unit kalaboso sina Ying Guanzhen, 31; Yang Jinlong, 29; Liu Xin, 28; Shen Kan, 36; at Luo Honglin, 27.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang limang Chinese nationals na blacklisted bilang mga POGO workers sa Zamboanga Internatio­nal Airport noong Marso 22.

Sa isinagawang joint operations ng BI Intelligence Division at ng Fugitive Search Unit kalaboso sina Ying Guanzhen, 31; Yang Jinlong, 29; Liu Xin, 28; Shen Kan, 36; at Luo Honglin, 27.

Ayon sa  BI, dalawa sa mga naarestong indibiduwal ay mga takas mula sa China, habang ang tatlo ay dating iniugnay sa Lucky South 99, isang kumpanya ng Phi­lippine Offshore Gaming Operator (POGO) na ni-raid dahil sa umano’y ilegal na aktibidad.

Sinabi ng BI na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa government intelligence sources na ang grupo ay napigilan sa kanilang pagtatangka na tumakas sa bansa sa pamamagitan ng backdoor exit route mula Tawi-Tawi hanggang Sabah, Malaysia, gamit ang isang ‘transporter’ para makaiwas sa mga awtoridad.

Gayunpaman, napigilan ng mga awtoridad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang kanilang pagtakas nang magkaproblema ang makina ng kanilang bangka malapit sa La­nguyan Island, Tawi-Tawi.

Bunsod nito, agad na inutos ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang agarang pag-aresto pagdating sa Zamboanga City mula sa Tawi-Tawi, na sinamahan ng mga pulis.

BI

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with