^

Kutob

Marso 24, 2025

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES: ( Mar. 21- Abr. 19) – Makakagawa ng bagay na kapaki-pakinabang sa sarili, tahanan, pinapasukan o opisina. Mag-ingat sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay dahil may kahinaan ang baywang at tuhod. Kung ayaw magkaroon ng kagalit, huwag magpautang. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 31, 43 at yellow gold.

TAURUS: (Abr. 20 - May. 20) – Gagamitin sa wastong pamaraan sang blessing. May pagbabago na nakatakdang mangyayari sa’yo. Magiging happy ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 15, 28 at lavender.

GEMINI: (May 21- Hun. 21) – Malaki ang pag-asa na magtagumpay sa pag-ibig. Maaaring makagawa ng mahalagang desisyon tungkol sa mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ang 18, 21, 40, 41 at cream.

CANCER: (Hun. 2 - Hul. 22) – Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan dahil may ilan na mapagsamantala at gagamitin ka lamang para makasariling layunin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 24, 40 at peach.

LEO: (Hul. 23 - Ago. 22) – Matatanggap sa trabaho kung mag-a-apply o magpa-follow-up. Ang mahal ay maaasahan ng tulong. Lucky numbers at color for the day ang 10, 28, 31, 39 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23 - Set. 23) – Isang hindi inaasahang balita ang magbibigay ng ligaya o kalungkutan. Mag-ingat sa mga matutulis na bagay. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 26, 37 at emerald green.

LIBRA: (Set. 24 - Okt. 23) – May panahon na pag-ukulan ang pangsari-ling balak o gawain. Magagawa kaagad kung ano ang plano. Lucky numbers at color for the day ang 24, 33, 38, 42 at midnight blue.

SCORPIO: (Okt. 24 - Nob. 22) – Malamang makakadalo sa isang pagtitipon na hindi inaasahan na mapuntahan dahil sa kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 15, 26, 36, 42 at tangerine.

SAGITTARIUS: (Nob. 23 - Dis. 21) – Magtiwala sa minamahal dahil kung walang tiwala wala nang silbi ang pagsasama. Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 19, 41 at garnet.

CAPRICORN: (Dis. 22 - Ene. 19) – Walang maaasahan ngayon sa mga kaibigan. May pagbabagong mangyayari na titiyak sa iyong kabuhayan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 36, 37, 40 at white.

AQUARIUS: (Ene. 20 - Peb. 18) – Mapalad ka ngayon sa kalakal at pag-ibig. Ang tiwala ng kapwa ay dapat suklian ng tapat na paglilingkod. Lucky numbers at color for the day ang 16, 26, 33, 44 at blue.

PISCES: (Peb. 19 - Mar. 20) – Magandang kapalaran ang naghihintay sa personal na hangarin kung kikios kaagad. Mareresulba ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 14, 25, 34, 42 at lemon green.

KUTOB

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->