^

Pang Movies

Julie Anne mas nakilala na ang sarili

Pang-masa

MANILA, Philippines — First time na nagkatrabaho nina Julie Anne, Gabbi, Mikee, and Ysabel sa mystery drama na Slay at kakaibang friendship na agad ang kanilang nabuo.

“Personally, mas nakilala ko ang aking sarili simula nang magtrabaho ako with these wonderful women. So, I just wanna say, thank you so much for being genuine and true friends, you know how much I love you, guys,” sey ni Julie Anne sa tatlong girls sa ginanap na presscon ng ‘Slay.’

Pero siyempre, bukod sa tatlong girls na kasama niya, ang talagang isa rin sa ipinagmamalaki ng aktres/singer ay ang suporta rin ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz hindi lang sa proyektong ito kundi sa lahat ng kanyang ginagawa.

Ayon sa Asia’s Limitless, sobrang dami na raw talaga ng naitulong sa kanya ni Rayver.

 “Hindi lang sa career, parang siguro sa mga life decisions as well. Tinulungan niya akong maging assertive sa lahat sa mga bagay-bagay. He also taught me that. . .you know, I can say ‘no’ as well.

“Tsaka sobrang supportive ni Ray sa lahat ng mga decisions ko in life. Whether it be sa persona life or sa career. And everything that I do, talagang like 100%, committed din siya. I feel very secure wit Ray. Kaya sobrang grateful talaga ako kay Ray.

 “And nakakatuwa, kasi we bring out the best in each other, kung baga, ang dami kong natututunan kay Ray, ang dami rin niyang natututunan sa akin,” proud na sabi ni Julie Anne.

Samantala, sa trailer ay parang medyo daring ang role ni Julie Anne at aminado naman siyang first time niyang gawin ang ganitong karakter.

“Iba talaga ‘yung karakter ko sa akun as a person. Kasi, very strong siya, eh.  And aware siya sa lahat, sa social issues, unang-una siya sa tsismis. Parang may pagka-mysterious din si Liv (her character),” paliwanag ng aktres/singer.

JULIE ANNE SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->