^

Police Metro

Mag-asawang senior, 1 kaanak todas sa sunog

Mer Layson - Pang-masa
Mag-asawang senior, 1 kaanak todas sa sunog
Samantala, nasugatan naman sa sunog ang apat na katao, kabilang ang tatlong fire volunteers at isang sibilyan na kinilalang sina Reynaldo De Luna, 20, na nawalan ng malay; John Jerome Dumasig, 34, ng Pitong Gatang Fire Volunteer; Rodelio Banique, 47, ng Sierra Fire Volunteer, at Dexter Aniban, 32.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang mag-asawang senior citizen at isa nilang kaanak sa naganap na sunog kahapon sa Tondo, Maynila.

Ang lalaking nasawi ay nasa 78-anyos habang ang misis nito ay 70-anyos; at kaanak nilang 45-anyos na binata.

Samantala, nasugatan naman sa sunog ang apat na katao, kabilang ang tatlong fire volunteers at isang sibilyan na kinilalang sina Reynaldo De Luna, 20, na nawalan ng malay; John Jerome Dumasig, 34, ng Pitong Gatang Fire Volunteer; Rodelio Banique, 47, ng Sierra Fire Volunteer, at Dexter Aniban, 32.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:22 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng tahanan na matatagpuan sa R.A Reyes St.,Tondo, na pagmamay-ari umano ng isang Loreta Flores.

Umabot lamang ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-2:41 ng hapon na kung saan ay anim na kabahayan ang nadamay sa sunog habang nasa 18 pamilya naman ang naapektuhan nito.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P800,000 ang halaga ng mga ari-ariang ti­nupok ng apoy. Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->