^

PSN Opinyon

Supporters ni Tatay Digong, humihiyaw sa galit!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

Marahil umani ng pogi points si DILG Sec. Jonvic Remulla sa pag-amin niya na apat lang silang nakaaalam at nagplano ng pagbiyahe ni Tatay Digong sa The Hague, Netherlands para harapin ang kasong crime against huma­nity. Kaya lang, ang iba pang kasama ni Remulla ay na­lagay naman sa bingit ng alanganin sa mga supporters ni Tatay Digong. Ano pa nga ba?

Sa samu’t saring interbyu sa radio, TV at diyaryo, pina­ngalanan ni Remulla ang kanyang mga kasamahan na sina President Bongbong Marcos, National Security Adviser Eduardo Año at Defense Sec. Gibo Teodoro.

Si Año mga kosa ay dating Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at DILG Secretary ni Tatay Digong samantalang si Teodoro naman ay best friend ni VP Inday Sara. Gets n’yo mga kosa?

Kaya abot-langit ang pandidiri ng supporters ni Tatay Digong at tinawag sina Año at Teodoro na mga “taksil.” Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nag-uumapaw ang galit ng mga tagasuporta ni Tatay Digong sa buong mundo matapos ibunyag ni Remulla ang isang umano’y sabwatan ng matataas na opisyal ng gob­yerno sa paglipad ng idolo nila sa Netherlands. Sa social media, dagsa ang “hate” comments ng mga maka-Digong kina Año at Teodoro.

Mukhang walang nag-advice kay Remulla na ilihim lamang ang planong ito dahil may backlash tiyak ito sa sup­porters ni Tatay Digong saang dako man ng Pinas o mundo. Tumpak!

Maaring transparency din ang habol ni Remulla o may sarili siyang diskarte, lalo na sa preparasyon sa 2028 elections. Puwede, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang talaga!

Kung sabagay, tama lang ang desisyon nina Año at Teodoro na manahimik na lang at hayaan humupa ang galit ng supporters ni Tatay Digong. Kapag nagsalita sila, kahit pabor man o hindi ang sasabihin nila, gagatungan lang nila ang umaalab na galit ng mga maka-Digong. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Kinondena naman ni PDP-Laban senatorial candidate Atty. Raul Lambino sina BBM at iba pang matataas na opis­yal ng gabinete sa umano’y “grand conspiracy” upang ipa­tapon si Tatay Digong sa kuwadra ng ICC.

Ayon kay Lambino, ang pag-amin ni Remulla ay nagsisilbing ebidensiya ng kanilang partisipasyon sa isang gawaing maituturing na “kidnapping” sa ilalim ng batas ng Pinas.

Idiniin din ni Lambino na ang ganitong operasyong isina­gawa ng gobyerno, na diumano’y pinlano sa pinakamataas na antas, ay isang mabigat na krimen na may matinding parusa, kabilang ang habambuhay na pagkakakulong. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Lumabas din ang ulat na si Teodoro ang nag-ayos ng eroplanong ginamit upang dalhin si Duterte sa The Hague. Ang eroplano, isang Gulfstream G550 executive jet ay pag-aari ni Ramon S. Ang, isang kilalang negosyante at malapit na kaalyado ni Teodoro.

Bumuhos din ang suporta kay Tatay Digong sa lansangan hindi lang sa Pinas kundi maging sa iba pang panig ng mundo. “Bring him home,” ‘yan po ang maririnig na isinisigaw ng mga maka-Digong sa ibang bansa.

Sa harap ng lumalawak na galit ng publiko, inaasahang haharapin ng administrasyong ni BBM ang matinding epekto ng kontrobersiyang ito sa mga susunod na araw. Abangan!

JONVIC REMULLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with