Pangulong Marcos ikinabahala sitwasyon sa Davao
MANILA, Philippines — Nababahala ang Palasyo dahil sa nangyayaring kaganapan sa Davao City matapos ang pinakitang suporta ng mga residente doon sa pamamagitan ng rally kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na nag-aalala rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kaganapan sa Davao City dahil sa halos araw-araw na kilos-protesta kasabay ng panawagan na ibalik sa Pilipinas ang dating Pangulo.
Panawagan ng Palasyo, alamin muna ng mga taga-Davao ang katotohanan at maging mahinahon sa mga panahong ito.
Hindi dapat magpadala sa mga maling impormasyon o fake news ang mamamayan ng Davao tulad ng ulat na sasalakayin umano ang bahay ng dating Presidente na itinanggi ng PNP.
Ang pagpapakalat aniya ng fake news ay nakakagulo sa isipan ng mga taga-Davao City kaya dapat na maging mapagmasid ang publiko at huwag magpadala sa mga ikinakalat na mga maling impormasyon.
Partikular na tinukoy ni Castro si Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte na nagpakalat ng fake news dahil siya mismo ang nagsabi na sasalakayin ang kanilang bahay sa Davao City kaya nagsagawa ng vigil ang kanilang mga supporters.
- Latest