^

PSN Palaro

Gin Kings tumabla sa 1-1

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gin Kings tumabla sa 1-1
Calvin Oftana vs Stephen Holt
PBA Media Bureau

MANILA, Philippines — Isinuko man ng Barangay Ginebra ang hawak na 15-point lead sa third period ay hindi naman nila ibinigay ang panalo sa TNT Tropang Giga.

Niresbakan ng Gin Kings ang Tropang Giga sa Game Two, 71-70, tampok ang depensa kay import Rondae Hollis-Jefferson sa huling 7.3 segundo sa Game Two ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup Finals kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Humakot si import Justin Brownlee ng 35 points at 11 rebounds para itabla ang Ginebra sa 1-1 sa kanilang best-of-seven championship series ng TNT sa harap ng 12,625 fans.

“These guys just showed true grit all the way through the game,” ani coach Tim Cone.

Nakabangon ang Tropang Giga mula sa 19-34 pagkakabaon sa pagsisimula ng third quarter para agawin ang 70-67 bentahe sa 2:31 minuto ng fourth period mula sa dalawang sunod na three-point shots nina Calvin Oftana at Ro­ger Pogoy at dalawang free throws ni Hollis-Jefferson.

Ang drive at dalawang foul shots ni Brownlee ang nagbigay muli sa Gin Kings ng 71-70 abante sa huling 46.9 segundo.

Sa huling posesyon ng TNT ay naubos ang oras ni Hollis-Jefferson hawak ang bola hanggang sa pagtunog ng final buzzer.

Binuksan ng Ginebra ang laro sa 7-0 para tapusin ang first quarter sa 21-15 at patahimikin ang TNT sa apat na puntos sa kabuuan ng second canto at kunin ang 32-19 halftime lead.

Ang depensa ni Gin Kings guard Stephen Holt kay Hollis-Jefferson ng Tropang Giga ang nagresulta sa malamyang 2-of-13 field goal shooting ng two-time PBA Best Import.

Sinimulan ng Ginebra ang third period sa drive ni Scottie Thompson para sa kanilang 15-point advantage, 34-19, na pinutol ng TNT sa 34-38 sa 6:45 minuto nito.

Nagsilbing timon naman ng Gin Kings si Brownlee sa kanyang ibinuhos na 12 points para muling makalayo sa Tropang Giga, 54-45, papasok sa final canto.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->