^

PSN Showbiz

Nadine, binakbakan ng DDS sa kanyang repost!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Nadine, binakbakan ng DDS sa kanyang repost!
Nadine Lustre.
STAR/ File

Isa sa naba-bash ngayon ng supporters ni former president Rodrigo Duterte ay si Nadine Lustre dahil nag-share ito ng post na “collect them all” banner after ng arrest ni Duterte. Actually, ni-repost lang niya ang post ng Rappler na photo ng isang lalake na may hawak na sign na nakasulat ang “collect them all.”

Nasa listahan ang pangalan ni Duterte at Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at Russian President Vladimir Putin. Dahil dun na-bash siya at kung anu-anong nega comment ang ibinato sa kanya.

Tinawag na “laos,” “papansin,” “bobo,” “buang,” at “user” ang aktres. Ginagamit daw nito si Duterte para muli siyang umingay. Pinayuhan siyang ‘wag makisawsaw, mag-artista na lang daw siya.

May nagsisi pa na siya ang kinampihan nang mag-break sila ni James Reid, tapos ngayon, may pa-share-share pa ng post na hindi nagustuhan ng supporters ni Digong.

Sunshine at Atong, proud sa relasyon

Mukhang mas positive na ang comment ng netizens sa relasyon nina Sunshine Cruz at Atong Ang (sabagay, dedma naman ang dalawa sa sinasabi ng mga tao).

Sa latest post ng aktres ng photo nila ng boyfriend habang nakasakay ng helicopter, wala na ang mga comment na pera lang daw ni Atong ang habol ni Sunshine.

Napalitan ng blooming siya, mukhang masaya sa piling ni Atong, bagay sila at fresh tingnan ang aktres. May mga kinilig pa nga at hindi naman daw halata ang 20-year age gap nila. Suwerte rin daw ang aktres dahil siya lang ang GF na isinapubliko nito.

Anyway, ang pinakikialaman ngayon ng netizens ay si Atong. May suggestion sila na baguhin nito ang ayos ng buhok, magpagupit siya, magpa-hair implant at ‘wag na raw gumamit ng eye glasses. Sa yaman daw ni Atong, kayang-kaya nitong baguhin ang hitsura.

Samantala, waiting ang netizens kung manonood ba si Atong sa pagrampa ni Sunshine sa Bench Body of Work Fashion Show. Sa March 21, 2025 na ‘yun at pinaghandaan ni Sunshine.

Philmar, walang budget na pambura ng tattoo

Tinakpan na ni Philmar Alipayo ang controversial tattoo niyang “224” na naging sanhi nang sunud-sunod na post ni Andi Eigenmann hanggang maging national issue. Kaya lang, kahit tinakpan na nga nito ang tattoo, sa comment ay may hanash na na wala bang budget si Philmar para magpa-laser? Marami ang nag-agree at agree rin sila na maduming tingnan ang kanyang braso.

Sa halip daw na malinis, lalong dumumi ang braso ni Philmar sa kanyang ginawa. May nagtanong pa nga kung hindi ba siya pinayuhan ni Andi na through laser niya ipaalis ang kanyang tattoo?

May mga naumay naman sa isyu nina Philmar at Andi, sana raw manahimik na muna ang dalawa.

May concern naman sa pinagselosan ni Andi, nasa Siargao pa raw ba ito? Ang last kasing nabalitaan, ninang siya ng baby girl nina Ellen Adarna at Derek Ramsay kaya nagpunta ng Manila, pero ngayon, wala nang balita sa kanya.

BENJAMIN NETANYAHU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with