Kim, dumistansiya sa pang-iintriga sa komento kay Pres. Duterte

Trending si Kim Chiu kahapon.
Pilit na ikinokonek sa pagkakaaresto kay former president Rodrigo Duterte ang spiel niya sa It’s Showtime kaya naman mabilis sumagot si Kim sa Twitter: “Hoy! Kaloka kayo. Binasa ko lang ‘yung script namin na spiels. Kayo talaga! GV GV lang tayo spread kindness and good vibes.”
Bukod pa ito sa unang sagot niyang: “Hala nakakaloka! Bat ako nasali dyan?!!! Like o to the M to the G!!!! Busy ako sa ibang bagay. Dyosko wag nyoko isali sa ganyan. Parang awa nyo na. Ang gulo na po ng mundonh ibabaw. wag na tayo dumagdag. Dyosko nalanh talaga.”
Ayon sa fan ni Kim, isang content creator ang nag-umpisa ng lahat na kung saan pinaniniwalaan daw ng ibang followers ang sinasabi nito na diumano ay “deserved ni Tatay Digong na makulong.”
Na hindi naman sinabi ni Kim.
Kaya naman nag-warning ang ibang fans na may cyber libel.
“‘Yung ginagawa niyo kay Kim Chiu ngayon ay malinaw na defamation. Sana talaga ituloy ni Robi D (Robi Domingo). yung kaso niya para magsunod-sunod na. Accountability time! #StopFakeNews #ProtectKimChiu,” tweet ng isang fan.
Awss. Talagang malala na ang fake news.
- Latest