^

PSN Showbiz

Sen. Bong Revilla, dinumog ng mga OFW sa Singapore

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sen. Bong Revilla, dinumog ng mga OFW sa Singapore
Nakipagkumustahan ang aktor / pulitiko sa daang libong nasa Singapore upang alamin ang kanilang kalagayan at ipaabot ang mga panukalang batas at adbokasiya niya.

Grabe ang sigawan, mahigpit na yakapan, at malaki ang ngiti ng mga Pinoy sa Singapore nang salubungin si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanyang pagbisita sa Lion City.

Nakipagkumustahan ang aktor / pulitiko sa daang libong nasa Singapore upang alamin ang kanilang kalagayan at ipaabot ang mga panukalang batas at adbokasiya niya. “Ang mga sakripis­yo ng ating mga OFW ay hindi matutumbasan, at ang kanilang pagsisikap ay nagsisilbing pundasyon ng pag-unlad ng ating bayan—sila ang tunay na makabagong bayani. Narito tayo hindi lang upang makasama sila kundi upang mas mapakinggan pa ang kanilang pangangailangan at tiyakin na may gobyernong nagmamalasakit sa kanila,” banggit ng senador.

Bilang bahagi ng kanyang pa­tuloy na pagsulong sa kapakanan ng mga OFW, ipinaliwanag din ng senador ang kanyang mga panukalang batas upang higit pang matulungan ang mga Pilipino, saan man sila naroroon.

Inihain niya ang SBN 1512 o ang Bagong Bayani Ward Act upang tiyakin na ang mga pampublikong ospital ay magkakaroon ng nakalaang ward para sa OFWs.

Dahil mahalaga rin aniya ang kanilang ipinapadalang pera hindi lamang sa kanilang pamilya kundi sa ekonomiya ng bansa, inihain din niya ang SBN 985 upang maprotektahan ang kanilang remittances laban sa mga mapagsamantala.

 Sa ilalim naman ng SBN 265 o ang Overseas Filipino Workers Credit Assistance, nais niyang na mabawasan ang pasaning pinansyal ng mga OFW, na madalas kailangang gumastos ng malaki bago makapagtrabaho sa ibang bansa.

Nagdaos din ang senador ng isang biglaang meet-and-greet session sa Lucky Plaza Mall sa Orchard Road, kung saan mainit siyang sinalubong ng dagsang Pilipino na nagpahayag ng kanilang suporta at pasasalamat.

“Napakasarap sa pakiramdam na madama ang pagmamahal at suporta ng ating mga kababayan dito sa Singapore. Lalo nitong pinatatatag ang aking paninindigan na patuloy na pagsilbihan at ipaglaban ang kapakanan nila,” saad pa niya sa speech niya na naka-live sa kanyang social media platforms.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->