^

Metro

Taguig LGU nagbabala vs pekeng ayuda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Nagbabala sa publiko ang pamahalaang Lungsod ng Taguig laban sa kumakalat na maling impormasyon tungkol sa diumano’y programang medical at financial assistance mula sa mga konsehal ng lungsod.

Ayon sa Taguig local government unit (LGU), may ilang grupo ang nananamantala sa publiko sa pamamagitan ng paghimok sa mga residente na magtungo sa opisina ng mga konsehal upang magsumite ng requirements kapalit ng tulong pinansyal o medikal.

Nilinaw ng lokal na pamahalaan na walang ganitong programa ang mga konsehal, at mariin nilang kinokondena ang ganitong mga panlilinlang sa mga mamamayan.

Pinayuhan ng LGU ang publiko na huwag basta maniwala sa hindi beripikadong impormasyon at tiyaking sa mga opisyal na anunsyo lamang ng lungsod kumuha ng detalye tungkol sa mga lehitimong serbisyo at tulong.

Para sa mga opis­yal na impormasyon, maaaring bisitahin ang opisyal na social media pages ng Lungsod ng Taguig o makipag-ugnayan lamang sa kanilang mga tanggapan.

LGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with