^

Police Metro

Chinese socmed warriors nagkakalat ng anti-Pangulong Marcos, pro-VP Sara content

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang network ng Chinese-linked social media accounts ang aktibo umanong nagpapakalat ng paninira kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. (PBBM) at papuri naman kay Vice President Sara Duterte.

Sa pagdinig ng Tri Comm noong Martes, inilahad ni Niceforo Balbedina II, ng PressOnePH ang mga impormasyon kaugnay ng operasyon ng Foreign Influence Ope­rations (FIO) at Foreign Information Manipulation and Interference (FIMI) sa Pilipinas.

Sinabi niya na ang Chinese state media ay masigasig na nagkakalat ng mga mapanlinlang na kwento tungkol sa gulo sa West Philippine Sea habang kasabay nitong pino-promote ang mga social media content na may kaugnayan kay Vice President Philippine sentiment, habang nagpu-push ng content related po kay Vice President Sara Duterte,” ayon pa rito.

Ibinunyag pa niya na matapos maglathala ang PressOnePH ng mga investigative story na nagbun­yag sa channel, ito ay dinagsa ng mga negatibong komento mula sa mga Pilipino, na nagresulta sa pag-aalis nito. Subalit, mabilis itong muling sumikat at nakakuha ng milyun-milyong followers kahit na wala namang laman.

Binanggit ni Balbedina na marami sa umano’y mga tagasubaybay na ito ay mula sa mga Spa­nish-speaking countries at walang interes sa WPS, na nagdulot ng mga ­pagdududa na sila ay mga bot o binili mula sa mga online growth services.

Natuklasan na ang network ng mga account, na karamihan ay aktibo sa X (dating Twitter), ay sistematikong nagpo-post ng mga pag-atake kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. habang pinalalakas ang interaksyon patungkol kay VP Duterte.

Isa sa nakakaalarmang natuklasan ay ang muling paglutang ng debunked “polvoron” video, na nagpapakita sa umano’y paggamit ng Pangulo ng droga.

SOCIAL MEDIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with