Planong paghahain ng reklamo laban sa 2025 budget ‘diversionary tactic’ sa impeach VP Sara isyu
MANILA, Philippines — Diversionary tactic ang tingin ng mga kongresista sa plano ng mga kaalyado ni Vice President Sara Duterte na maghain ng reklamo laban sa mga lider ng Kamara de Representantes kaugnay ng 2025 national budget.
Ayon kina Deputy Majority Paolo Ortega ng La Union at Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales ang planong paghahain ng reklamo kina Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, at dating pinuno ng Appropriations panel na si Zaldy Co kaugnay ng alegasyon ng budget insertions sa 2025 national budget.
Kahina-hinala rin ayon kay Khonghun ang timing ng ibinabatong isyu laban kay Speaker Romualdez na lumutang makaraang dalhin na sa Senado impeachment complaint laban kay Duterte.
Ang impeachment complaint laban kay Vice President Duterte ay isinampa batay sa umano’y katiwalian kaugnay ng confidential funds. Inendorso ito ng 215 mambabatas.
Bukod dito, may 25 pang kongresista na nagpadala ng kanilang beripikasyon upang maging complainant sa impeachment laban sa Bise Presidente, kaya halos 80% ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Kamara, na pagpapakta na solido ang suporta sa nagtatangkang harangin ang impeachment trial sa pamamagitan ng mga politically motivated complaint, na tiyak ding babalik sa kanila.
- Latest